Advertisers

Advertisers

Bong Go, FPRRD nag-Pasko kasama mga ulila, seniors

0 145

Advertisers

Binisita nina Senator Christopher “Bong” Go at dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Balay Dangupan sa Davao City para ipalaganap ang holiday cheer sa mga ulila at kawani nito sa pamamagitan ng pag-check sa kanilang kapakanan habang namimigay ng mga regalo at iba pang giveaways.

Ang Balay Dangupan ay itinatag noong 2018 at ito ay isang crisis intervention facility ng Pamahalaang Lungsod ng Davao na nagsisilbing pansamantalang pamalit na tahanan para sa mga bata.

Nakatuon sa pagpapaangat ng buhay ng mga Pilipino sa panahon ng krisis, namahagi sina Duterte at Go ng mga Christmas basket, pagkain, gift certificate, at bola para sa basketball at volleyball sa 49 bata at 29 shelter workers.



Si Go ay patuloy na nagpupursige na maisulong ang mga programa sa proteksyon ng mga bata sa pagsasabing trabaho ng gobyerno na tiyakin na ligtas ang mga batang Pilipino.

Suportado ni Go ang kamakaila’y panawagan ni President Ferdinand Marcos Jr na pagsupil sa child exploitationat karahasan sa pagsasabing “Unahin natin ang mga mahihirap, mga hopeless at helpless, mga walang laban tulad ng mga kabataan. Proteksyunan natin ang kanilang kapakanan.”

“Tungkulin ng Estado, tulad ng magulang ng bansa, na protektahan ang mamamayan nito, lalo na iyong mga hindi kayang protektahan ang kanilang sarili, tulad ng mga batang bulnerable po,” idiniin ni Go.

Nauna nang isinampa ng mambabatas ang Senate Bill No. 1188 para amyendahan ang Republic Act No. 7610 o ang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act” sa layong pahusayin ang mga hakbang sa proteksyon ng bansa para sa mga bata.

Ang iminungkahing batas ay naglalayong amyendahan ang Seksyon 5 (b) ng Anti-Child Abuse Law patungkol sa parusa para sa mga taong nagsasagawa ng kahalayan o sekswal na aktibidad sa mga menor de edad na wala pang 12 taong gulang.



“I will continue to push and support initiatives and programs na nakalaan para sa proteksyon ng ating mga kabataan dahil sila ang pag-asa ng ating bayan,” iginiit ni Go.

Sa parehong araw, binisita din ni Go ang Co Su Gian Home for the Aged sa Barangay Buhangin, sa Davao City, kung saan personal siyang nagbigay ng tulong sa mga matatanda at gayundin sa ilan sa mga retirement home worker.

May kabuuang 49 senior citizen ang nabigyan ng mga Christmas basket na puno ng pagkain at regalo mula sa senador. Ilan sa mga tumanggap, partikular na ang mga tauhan ng pasilidad, ay tumanggap din ng mga bola para sa basketball at volleyball bilang bahagi ng adbokasiya ni Go na isulong ang malusog na pamumuhay na malayo sa mga bisyo tulad ng iligal na droga.

Nag-alok din ang senador na dalhin ang mga matatandang residente sa mga parke at shopping malls para sila ay makihalubilo at makapagpahinga.

Ipinahayag ni Go ang kanyang pagmamalasakit sa kapakanan ng senior citizens habang hinikayat niya silang ipagpatuloy ang lahat ng kinakailangang pag-iingat upang maprotektahan ang kanilang sarili mula sa COVID-19 at iba pang banta sa kalusugan.