Advertisers

Advertisers

Uncle pinatay sa saksak ng pamangkin

0 170

Advertisers

Patay ang 65 anyos na lalaki nang saksakin ng pamangkin dahil sa pagtatalo sa Barangay Bagong Ilaya, General Luna, Quezon nitong Martes ng gabi.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Virgilio Hermosa.

Batay sa report ng General Luna police, 8:30 ng gabi, kumakain ng hapunan ang biktima sa bahay ng isa pa niyang pamangkin nang dumating ang salarin na si Ranjone Ricamara Surbano, pinsang buo ng may-ari ng bahay na si Aljun Aguada Ricamara.



Nagalit umano si Surbano sa biktima nang malaman na may mga ikinikwento ito laban sa kanya.

Nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo ang magtiyo na nauwi sa pananaksak ni Surbano.

Isinugod pa ang biktima sa ospital subali’t binawian na ito ng buhay bago pa man mairating sa pagamutan dahil sa mga tama ng saksak sa katawan.

Naaresto naman ng mga tauhan ng General Luna police si Surbano sa follow up operation nitong Miyerkules ng umaga.

Nahaharap si Surbano sa kasong murder.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">