Advertisers
INAMIN ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na outdated na ang 3 year old P10.8 billion Air traffic management system ng ahensiya na pumalya noong Lunes January 1, 2023.
Sinabi ng CAAP na ang Communications, Navigation and Surveillance/ Air Traffic Management System ay naging fully operational noong July 26, 2019 na pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).
Ang nasabing proyekto ay nakumpleto noong October 2017 at pinasinayaan ito noong January 16,2018.
Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolinario ang CAAP Aerodrome and Air Navigation Safety Oversight Office (AANSOO) ang siyang inatasan na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa insidente.
Inirekomenda na rin ng CAAP kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panahon na para i-improve ang Air Traffic Management System ng bansa.
Sa kabila ng mga pangyayari, sinisiguro ng CAAP na walang aircraft o pasahero ang nasaktan.
Ang kawalan ng kuryente sa system ay dahil sa problema sa systems electrical network sa uninterruptible power supply (UPS), na siyang ginagamit na backup power supply ay pumalya rin.
Alas-5:50 ng hapon noong January 1, 2023 bumalik ang normal operations ng NAIA.
Sinabi ni Apolinario ang PAL flight 222 at Cathay Pacific flight 930 ang unang flights na nag-land at nag-take off sa airport nang magbalik ang operasyon nitong Lunes.
Dati ang CAAP ay gumagamit ng tatlong radars na naka-stationed sa NAIA sa Pasay, Clark sa Pampanga, at sa Tagaytay, Cavite.
Pero dahil sa communication navigation system at air traffic management system CNS/ATM mayroon ng 13 radars na meron ngayon ang CAAP kung saan 70% sa Philippine air space ang sakop nito.
Samantala, nangangailangan ng mahigit P13 billion na pondo ang Department of Transportation para sa modernisasyon o pag-upgrade sa mga facilities ng CAAP.
Sinabi ni DOTR Secretary Jaime Bautista na panahon na para i-modernize ang facilities ng CAAP.