Advertisers
Inaresto ng mga tauhan ng SPD-Drug Enforcement Unit at Pasay City Police Station Sub-Station 1 ang apat katao na ‘drug courier’ nang magsagawa ng buy-bust operation mula sa isang establisimento sa lungsod ng Pasay.
Sa ulat na natanggap ni NCRPO Chief PMGen Jonnel C. Estomo mula kay Southern Pollice District (SPD) District Director PBGen Kirby John Brion Kraft, nakilala ang apat na naarestong drug personality na sina Dzun Robe May, 26, alias Jun/Jacky; Lorenzo Lagumbay Victoria, 26; Alyssa Carceller Eden, 23; at Joebert Lorenzo Almenario, 27.
Nahulihan ang apat na suspek ng apat na heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 20 gramo na may street value na P136,000.00; dalawang plastic sachet na naglalaman ng 10 ecstasy capsule ( MDMA) at dalawang ecstasy tablet na may halagang SDP na P16,800.00 at anim na heat sealed transparent packs na naglalaman ng hinihinalang high grade marijuana o kush na tumitimbang ng higit o mas mababa sa 180.01 gramo na may halagang SDP P252,014.00.
Dinala ang mga naarestong suspek sa SPD DDEU Office para sa dokumentasyon at disposisyon habang inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Art II ng RA 9165 laban sa kanila. (Jojo Sadiwa)