Advertisers

Advertisers

800K benepisyaryo ng 4Ps matatapos na ang financial assistance ngayong taon – DSWD

0 154

Advertisers

PAPALO sa 800,000 ang inaasahang makakatapos na ng kanilang Pantawid Pamilyang Pilipino Program beneficiaries financial assistance ngayong taon.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Officer In Charge Edu Punay, ang nasabing bilang ay maaari pa ring mabigyan ng karagdagang tulong sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP).

Dagdag pa ni Punay, sa naturang programa ay mabibigyan sila ng financial assistance para sa kanilang panimula sa pagtatayo ng community livelihood activites sa kanilang lugar upang hindi na muling bumalik sa kahirapan.



Ayon pa kay Punay, posibleng dumami pa ang lumahok sa Sustainable Livelihood Program dahil sa inaasahang pagdami ng magsisipagtapos sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program beneficiaries ng pamahalaan.