Advertisers
TARGET ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpatupad ng “calibrated importation” ng mga sibuyas sa Pilipinas.
Sa gitna ito ng mga agam-agam ng ilan sa ating mga kababayan hinggil sa pag-aangkat ng sibuyas ng pamahalaan dahil sa kawalan ng suplay nito sa mga merkado.
Sinabi ni Department of Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista, layon nito na pangalagaan ang mga magsasaka sa bansa.
Ayon kay Evangelista, sa ngayon ay hinihintay pa nila ang mga reports ukol dito kabilang na ang dami ng mga indibidwal na nag-apply sa ilalim nito.
Paglilinaw ni DA, ito ay bahagi ng itinatag na parameters ng Bureau of Plant Industry (BPI) na mangangalaga sa mga ani ng mga kababayan nating magsasaka at naglilimita na rin sa importasyon ng mga produktong agrikultura sa bansa.
Samantala, bukod dito ay iniulat din ng opisyal na sa ngayon ay bumaba na sa Php 250 kada kilo ang farmgate price ng sibuyas.
Bagay na kasalukuyan pa rin aniya nilang i-validate upang tiyakin na hindi lamang ito ipinapatupad sa iisang lugar lamang sa Pilipinas.
Ngunit nilinaw niya na batay sa ginagawang monitoring ng ahensya sa 13 merkado sa Metro Manila ay pumapalo pa rin sa Php400 hanggang Php550 ang presyo ng retail prices ng sibuyas. (Vanz Fernandez)