Advertisers

Advertisers

SENATOR BONG GO AT 6 PASAHERO, KABILANG SA EROPLANONG ‘NABALAHO’ SA DAMUHAN

0 169

Advertisers

SI Senator Christopher Lawrence Bong Go ay isa sa pitong (7) pasahero na sakay ng eroplanong Super King Air 350 na patungong Catarman,Northern Samar ang nagkaroong ng aberya nang ang isa sa mga landing gear nito ay ‘nabalaho’ sa isang madamong bahagi ng domestic runway 13/31 runway habang nagmamaniobra para sa paglipad sa naturang lalawigan.

Ayon sa ulat ng Media Affairs Division ng Manila International Airport Authority (MIAA) walang ibang flight ang naapektuhan dahil natuloy ang operasyon ng paliparan matapos alisin ng Airport Ground Operations and Safety Division personnel ang lugar mula sa Foreign Object Debris (FOD) at hinila ang aircraft patungo sa SMC hangar alas-10 pasado ng umaga.

Ibinahagi ni Senator Bong Go ang kanyang karanasan sa Senate Media sa pagsasabing, alas-10 ng umaga ngayong Martes,” kinailangang i-abort ng aming eroplano ang flight sa NAIA matapos magkaroon ng mekanikal na isyu sa isa sa mga makina nito. Papunta na sana kami ng team ko para mamigay ng tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng malakas na ulan at baha sa Mapanas, Catarman at Lavezares, lahat sa Northern Samar. Naka-iskedyul din akong mag-inspeksyon sa Super Health Center at isang bagong itinayong covered court sa Lavezares, pati na rin ang inayos na pampublikong pamilihan sa Catarman ngayon.



Dagdag pa ni Go na “Sa kabila ng pinakamahusay na pagsisikap upang ma-secure ang mga alternatibong flight, nang may labis na panghihinayang, hindi namin maituloy ang aking personal na pagbisita. Ang kaligtasan ng lahat ng sakay ay higit sa lahat. Gayunpaman, tiniyak namin na ang mga nakatakdang aktibidad, partikular na ang pamamahagi ng lubhang kailangan na tulong sa mga apektadong pamilya, ay maisagawa nang walang pagkaantala. Ang aking mga tauhan ay nasa Northern Samar sa loob ng ilang araw, na tumutulong sa mga lokal na awtoridad na tugunan ang mga pangangailangan ng mga biktima.

Salamat sa Diyos na ligtas naman kami at walang gaanong aberya ang idinulot sa ating paliparan sa nangyari. Pinupuri ko ang mga tauhan ng MIAA para sa mabilis na pagkilos sa pagbawi upang mabawasan ang masamang epekto sa iba pang operasyon ng paglipad at sa crew ng eroplano para sa pagtiyak ng ating kaligtasan.”

God willing, patuloy po akong bibisita sa ating mga kababayang tinamaan ng sakuna at nangyayari dahil sa iba’t ibang krisis na naganap sa ating bansa. Tutulong po ako sa abot ng aking makakaya nasaan man kayo sa bansa. (JOJO SADIWA/JERRY TAN/Photos by: CESAR MORALES)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">