Advertisers

Advertisers

Kung LEN Fa Choi PCKDF at Alliance of Masters

0 198

Advertisers

HAPPY Chinese new year kay Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation secgen/ coach LEN Escollante at op kors sa pangulo ng naturang NSA na si Teresita Uy.

Congratulations din sa matagumpay at blockbuster na pagdaraos ng Chinese New Year Dragonboat Festival na ginanap sa Pasig River sa ibaba ng bagong Binondo Bridge kahapon.

Nilahukan ito ng mga pangunahin at bagitong dragonboat clubs sa Kamaynilaan at ang biggest surprise ay nang magpasiklab ang koponang binubuo ng masters at kabataang out of school youth na kinalingang maging dragonboat athletes.



Ang Team Alliance of Masters(56.74) na binuo sa loob pa lang ng dalawang buwan nina team leaders Allan Diancin at partners na Ronnie at Arlene Aguilar ay namayani sa 10-seaters mixed 250 m race at sorpreasang dinaig ang mga paboritong tropa tulad ng Rampage A at B na pinalakpakan ng dagsang taong sumaksi sa kaganapang pang – new year na inorganisa ng PCKDF sa pakikipagtulungan ng Manila City Government at local government units ng Binondo District.

Ang mga magigiting na paddlers ay binubuo nina Joross Francisco,Alexander Montecillo Imperio,Jhon Christian Balaba Olaybar,Edward Samson,Gabriel Fuentes,Jean Guison,Madeline Magistrado,Beverly Ricasa Guades,Arnel Libertas,Jevie Navarro,Azaak Diancin,Michel Villanueva, Madonna Gadion, Mel Atip,Heart Diancin, Nap Tolentino, Mathew Del Rosario, Joncyl Belciña- signal,Roel Castro- steer at Carl Daniel Aguilar



Ang pasiklab at may future na koponan ay nageensayo sa bayside ng CCP Complex at ayon kay Allan Diancin ay handa na silang makipagsagwanan sa mga heavyweights ng larangan sa giya ng PCKDF at tulong ng kinauukulan sa mga atleta ng larangan ng dragonboat na malaking potensyal na mag-excel sa international competitions kung saan ay nakapaguuwi ng gold medals ang Team Philippine Paddlers.

Posible ring isa sa mga out of school youths nito ang makarating sa pangarap na maging miyembro ng national team… MISMO!



Ayon kay coach Len ,marami pang nakakalendaryong dragonboat events sa Kamaynlaan at lalawigan ngayong year of rhe rabbit 2023..ABANGAN!

Kung Hei Fat Choi / Gong Xi Fa Cai!!!