Advertisers

Advertisers

TNVS driver naidlip, ninakawan ng celfone; socmed account ginamit sa panghihingi ng pera

0 119

Advertisers

NATANGAYAN ng cellphone ang isang TNVS driver nang umidlip sa loob ng kaniyang sasakyan sa Pasay City. At ginamit pa ng mga magnanakaw ang kaniyang social media account para manghingi ng pera.

Sa ulat, inantok ang driver na si “Joey” kaya itinabi niya ang sasakyan at sandaling natulog.

“Nakita ko nga ‘yung emergency bay doon sa may Andrews Avenue, maliwanag, busy area pati, maraming dumadaan, kaya doon ako nag-decide na huminto,” sabi ng driver.



Binuksan ng bahagya ni Joey ang bintana sa driver’s side bago pumikit.

Pero habang natutulog, dalawang lalaki na ang umikot sa kaniyang sasakyan bago mag-3:00 am.



Dumikit ang mga magnanakaw sa driver’s side at doon kinuha ang cellphone ng biktima.

Tumagal sila ng ilang segundo bago umalis. Nang maalimpungatan si Joey, wala na ang kaniyang cellphone.



Natunton ni Joey ang kaniyang cellphone hindi kalayuan sa area parin ng Pasay.

Nakunan din sa CCTV ang dalawang magnanakaw na naglalakad palayo matapos ang kanilang pagnanakaw.

Natukoy na ng mga awtoridad ang mga magnanakaw, pero hindi pa nila ito nahahanap.

Nagkakahalaga ng higit P50,000 ang kaniyang cellphone, at nadismaya ang biktima dahil ito ang panghanapbuhay niya.

Ginamit pa ng mga magnanakaw ang kaniyang social media account para manghingi ng pera sa kaniyang friends list.

Payo ni Captain Michelle Sabino, spokesperson ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group, gumawa ng bagong social media account at mag-post ng disclaimer para hindi na makapanghingi ang mga masasamang loob.