Advertisers

Advertisers

Pastor arestado sa kasong murder

0 153

Advertisers

ARESTADO ang 60 anyos na pastor na wanted sa kasong murder o brutal na pagpatay sa Benguet sa isinagawang operasyon sa hideout nito sa Barangay Poblacion, Luba, Abra.

Sa report ni Colonel Damian Olsim, hepe ng Benguet Police, kinilala ang salarin na si Melchor Langbayan Balance ng Brgy. Ol-olingen, Villaviciosa, Abra.

Ayon kay Olsim, dating commander ng binuwag na Cordillera People’s Liberation Army (CPLA) si Balance na kilala sa bansag na “Kumander Kawar”.



Nakatala si Balance bilang number 2 most wanted person sa rehiyon ng Cordillera simula 2015, at naitala rin na top 2 most wanted nitong 2019.

Inaresto ang pastor base sa warrant of arrest na inisyu Marso 20, 2014 ni Judge Jennifer Humiding, Presiding Judge ng Branch 63, Regional Trial Court (RTC) La Trinidad, Benguet. Hindi narin siya nanlaban nang dakmain ng mga operatiba kamakailan sa Brgy. Poblacion, Luba.



Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Balance.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">