Advertisers

Advertisers

May audience na rin naman…Direk Vince game makatapat ulit ang pelikula ni Direk Daryll

0 195

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

DAHIL naging matagumpay sa takilya ang multi-awarded film na Katips noong ipalabas ito, muli na namang maghahandog ng epic film ang PhilStagers Films. Ito ay ang Ako Si Ninoy na bida si JK Labajo.
Mula ito sa panulat at direksyon ng multi-awarded writer and director, FAMAS and Palanca awardee Vincent Tanada, na ang musika ay mula naman sa Awit awardee na si Pipo Cifra.
Ang Ako Si Ninoy ay adaptation ng musical play noong 2009 na may parehong title. Ito ay tungkol sa inter-twining stories ng 11 individuals sa modern day.
Sa media conference ng Ako Si Ninoy, sinabi ni Direk Vince, na kaya nila nagawa ang nasabing pelikula dahil nga naging blockbuster ang pelikulang Katips. Nagkaroon sila ng puhunan sa tulong na rin ng Katips.
“Maraming nagsasabi na flop daw ‘yung Katips or nilangaw. Hindi naman po siguro tayo gagawa ng panibagong pelikula kung wala po tayong pinagkukunan,” sabi ni Direk Vince.
Patuloy niya,”Naging matagumpay po ang Katips, kaya nandirito na naman po tayo, sumusubok muli sa panibagong pelikula na mas malaki, mas ambitious, at mas maraming magagaling na artista, manganganta, hindi lamang sa teatro at pelikula.
“At sa palagay ko, napakaganda rin ng ating istorya dahil ito ay ibinigay, galing sa mga resource people, na talagang mapagkakatiwalaan.”
Ang Katips ay nakasabay noon sa playdate ng Maid In Malacanang na mula sa direksyon ni Daryll Yap. May pelikulang ginawa si Daryll na tungkol ulit sa dating pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos.
Kung sakaling makakasabay na naman ng playdate ng Ako Si Ninoy ang pelikula ni Daryll, handa naman sa tapatan si Direk Vince. Naniniwala naman kasi siya na may sariling audience ang mga pelikulang ginagawa niya.
“As of now, we don’t have yet a playdate. Ang nag-aasikaso niyan ay ‘yung Reality Entertainment, ‘yung aming distributor at co-producer. So hindi namin alam kung kelan ang playdate namin.
“Pero kung makasabay man o hindi makasabay sa playdate ni Daryl, sa palagay ko naman, makasabay o hindi makasabay, mayroon naman kaming sariling audience.
“So inaasahan namin, lalong-lalo na yung mga fans ng mga artista natin na nandirito, and this is in fact a movie adapation of the play which we did back in 2009.
“Kung makikita ninyo ‘yung mga reply sa tweets, marami nang nakapanood ng play na ito, at gusto nilang mapanood ‘yung movie version.
“So we expect ‘yung mga support na makukuha natin sa maga naniniwala sa katotohanan.”
Bukod kay Juan Karlos, kasama rin sa pelikula sina Sarah Holmes bilang Cory Aquino, Sarah Javier bilang Crying Lady, Johnrey Rivas, Marlo Mortel, Cassy Legaspi, Joaquin Domagoso, Nicole Laurel, JM Yosures, Adelle Ibarrientos, Vean Olmedo, Jomar Tanada, Luke Quitante and Lovely Rivero, Pinky Amador, Bodjie Pascua at marami pang iba.
***
MAY bagong serye ang ABS-CBN na Dirty Linen, na magsisilbing launching ng tambalang FranSeth o Francine Diaz at Seth Fedelin.
Silang dalawa na ngayon ang bini-build-up na loveteam ng Kapamilya network after mabuwag ang tambalang Seth at Andrea Brillantes at Francine at Kyle Echari.
Sa media conference ng Dirty Linen, tinanong si Francine kung hindi ba siya nakaramdam ng takot o kaba na baka hindi tanggapin ng iba ang tambalang FranSeth.
Sabi niya,”Actually, nalaman ko lang din, na-discover ko lang din sa sarili ko na prepared na ako na maka-work din si Seth and kung anuman ang sabihin ng mga tao habang ginagawa na rin namin ang show,” sabi niya.
“Siyempre nung in-offer sa amin, nandun yung kaba and yung doubt sa aming dalawa ni Seth, siyempre sa magiging eksena namin sa magiging reaction ng mga tao.
“Habang ginagawa naman yung show alam ko na prepared na ako sa kung anuman ang ibabato nila sa akin,” aniya pa.
Ayon kay Francine, ang kaba niya ay hindi dahil baka hindi sila tanggapin ng mga fan kundi baka hindi nila magampanan ang mga karakter na pinagkatiwala sa kanila ni Seth sa nasabing serye.