Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA kabila ng paghingi ng sorry ni Alex Gonzaga sa waiter na pinahiran nito ng cake ay patuloy pa rin ang pamba-bash sa misis ni Mikee Morada.
Ayaw pa rin itong tantanan sa isyung kinasasangkutan.
Kahit ang concert ng kanyang Ate Toni Gonzaga ay naging kontrobersyal din bago pa man ito magsimula.
Sa katatapos na concert ay nag-post ng video si Alex na ipinakita na di mahulugan ng karayom ang sumaksi sa concert ng kanyang Ate Toni.
Pero may mga basher na nagkokomento na napuno lang daw ang Smart Araneta Coliseum na hindi dahil kay Toni.
Bumili raw ng 500 tickets ang kanilang ina na si Mommy Pinty.
Nagmudmod ng libreng ticket na binili ng nanay nina Toni at Alex.
Kaya banat ni Alex sa basher na di bumili ng ticket concert ng kanyang Ate Toni.
At hindi lang 500 tao ang kasya sa Araneta at napakalaking venue nga raw ito pagdidiin pa ng sissy ni Toni.
Kung nakapunta na kayo sa Araneta ay di lang po 500 ang capacity nun ayon pa kay Alex.
Ang mahalaga ay matagumpay ang kinalabasan ng concert ng kanyang sissy na si Toni.
Hirit pa ng fan na baka nga raw magkaroon ng part 2 or follow up ang concert.
Tampulan din ng usapan ng isang showbiz platform online ang tungkol sa wala nang gustong papirmahin si Alex ng malalaking ads.
Meron man daw ay mga independent or maliliit lang pero ang malalaking ads ayaw na papirmahin pa ang TV host-actress.
***
SA finale sana ng Darna ni Jane De Leon ay namimili ang production team na makatatapat ni Jane sa dulo na mga naging Darna na.
Isa si Regine sa natawagan na at umoo naman ito na walang kaarte-arte at di na nga raw napag-usapan ang talent fee.
Matatandaan na naging Darna na si Regine noong 2003 sa Captain Barbell ni Bong Revilla.
Kaya naman si Regine raw ang makakatagpo ni Jane na kapwa niya Darna.
Pero sa usapan ng Showbiz Platform Online nina Cristy Fermin, nag-iinarte raw si Jane at gusto na lang nitong i- double ang sarili or gumamit ng chrome.
Kaya ang dream ni Regine na makapagsuot ng Darna outfit ay naudlot sa pa-iinarte ni Jane.
Well, well, well…’Yun na!