Advertisers

Advertisers

3 Covered courts sa Bgy. 176 sa Caloocan, pinasinayahan

0 161

Advertisers

Pinangunahan ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang inagurasyon ng tatlong covered court sa iba’t ibang komunidad sa Barangay 176 noong Biyernes, Pebrero 10.

Kabilang sa mga nasabing proyekto ang Molave Covered Court, Grema Covered Court at Phase 7-Bigasan Covered Court na gagamitin para sa sports, leisure at community activities.

Binigyang-diin ng lokal na punong ehekutibo na bahagi ng pananaw ng kanyang administrasyon ang nasabing mga proyektong pang-imprastraktura na mapabuti ang mga pampublikong pasilidad at lugar ng bawat komunidad para sa libangan at panlipunang mga gawain.



“Ang patuloy na pagbubukas ng mga imprastraktura ay bahagi ng ating pagnanais na paunlarin ang ating mga pampublikong pasilidad,” sabi ni Mayor Along.

“Magagamit itong mga bagong korte ng ating mga kababayan sa larangan ng pampalakasan pati na rin sa pagdaraos ng mga programa ng pamahalaan,” dagdag ni Mayor.

Dinaluhan ang naturang inagurasyon nina Caloocan District 1 Representative Oca Malapitan, Councilor Leah Bacolod at Barangay 176 Chairman Joel Bacolod.(BR)