Advertisers

Advertisers

REPUTASYON DAPAT PAHALAGAHAN SA MGA COMMITTEE HEARING!

0 4,139

Advertisers

Mandato sa mga isinasagawang COMMITTEE HEARING ng CONGRESS at SENATE ang pagsisiyasat at mangalap ng mahahalagang impormasyon para magamit sa pagbuo o pag-amiyenda ng anumang batas mula sa kanilang RESOURCE PERSONS na magkaminsa’y tila kinaliligtaan ang pagpapahalaga sa REPUTASYON o IMAHE ng kanilang mga inimbitahan.

Sa bawat kontrobersiya ng mga katiwalian ay nagpapatawag ng COMMITTEE HEARING ang KONGRESO o ang SENADO sa layuning “in aid of legislations”.., para makagawa ng mga batas na susupil sa anumang katiwalian.

Gayunman, ang ilan nating mga mambabatas ay naaabuso nila ang kanilang kapangyarihan sa pagtatanong na halos dinudurog na nila ang imahe ng kanilang mga RESOURCE PERSON.., kaya, may ilang mga naimbitahan tulad sa SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE HEARINGS na humantong sa pagpapakamatay pa ng ilang personalidad dahil sa kahihiyan gayong wala pa namang matibay na ebidensiyang magdidiin para sa akusasyong katiwalian.



Oo nga at may karapatan ang COMMITTEE MEMBERS para mag-usisa at alamin ang lahat ng detalye patungkol sa mga maanomalyang government transactions.., ay kailangan pa ring isaalang-alang ang aspetong emosyonal na dinadanas ng mga testigong napagkakamaliang maakusahan.

Ilan sa mga personalidad na napagkamaliang maakusahan ng katiwalian ay sina dating DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES na humantong sa pagpapakamatay sa puntod ng yumao niyang ina dahil sa nadungisan niyang imahe na epekto ng BLUE RIBBON COMMITTEE HEARINGS.., si dating AGRICULTURE SECRETARY LEOCADIO SEBASTIAN at kasamahan niya sa SUGAR REGULATORY ADMINISTRATION (SRA) ADMINISTRATOR HERMENEGILDO SERAFICA, dating SRA MEMBERS AURELIO GERARDO VALDERAMA JR at ROLAND BELTRAN ay naakusahan sa 300 metric tons SUGAR IMPORTATION at sa pamemeke ng pirma ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR na kalauna’y napatunayang legal ang kanilang mga ginawa alinsunod sa naging direktiba sa kanila ni PRES. BONGBONG.., e ano pang saysay sa paglinis sa kanilang kinasangkutan gayong nagresign na si SEBASTIAN dahil sa sama ng loob at si dating DEFENSE SECRETARY REYES na nagpatiwakal dahil sa matinding dinanas na kahihiyan.



Nitong nagdaang Linggo, sa online program ni VETERAN JOURNALIST WILLIAM DEPASUPIL na “REPORMA” ay naging panauhin nito ang isa ring dumanas ng matinding kahihiyan sa SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE HEARING patungkol sa kontrobersiyang kontrata nitong kasagsagan ng COVID-19 PANDEMIC na ang kompanyang nakakopo ng P10 bilyon contract para sa PANDEMIC MEDICAL SUPPLIES na inaward sa PHARMALLY PHARMACEUTICAL CORP. .., na kompanyang may paid-up capital lamang na P625,000.

Ang tinutukoy nating dumanas ng matinding kahihiyan ay ang PROMINENT ENTREPRENEUR AND POLITICAL ASPIRANT na si ROSE NONO LIN na pilit itong inaakusahan at pinaaamin na may kaugnayan ito sa PHARMALLY PHARMACEUTICAL. CORP.., gayong iba ito sa itatayo nila ng kaniyang asawang si WEI XIONG “JEFFREY” LIN na PHARMALLY BIOLOGICAL na magmamanupaktura dapat ng mga gamot dito sa ating bansa.



Sabi nga ni ROSE LIN sa programang REPORMA ay wala siyang kaugnayan sa PHARMALLY PHARMACEUTICAL at maaaring napagkamalian lang siya ng mga SENATOR dahil magkatunog sa PHARMALLY BIOLOGICAL.., na aniya ay tanging naging bahagi ng kaniyang asawa ay pinahiraman niya ng pera ang PHARMALLY PHARMACEUTICAL na maliban doon ay wala na dahil hindi sila kasosyo o kabahagi sa naturang kompanya.

Nalagay man sa kahihiyan si ROSE LIN sa kaniyang naging pagdalo sa COMMITTEE HEARING ay naroon pa rin umano ang kaniyang pagrespeto at paggalang sa mga SENATOR dahil ginagawa lamang nila ang kanilang tungkulin at sila ay ibinoto ng sambayanan.

“Sana lang po sa mga susunod e irepeto naman po nila ang mga resource person tulad ko.., huwag po nilang i-prejudged,” pahayag ni ROSE LIN.

Inihayag naman ni POLITICAL ANALYST ATTY. EDWARD CHICO na isa rin sa naging guest ni VETERAN JOURNALIST DEPASUPIL, na ang mga dumanas ng matinding kahihiyan sa mga COMMITTEE HEARING ay dapat magkaroon ng pagsubok na maghain ng kaso sa SUPREME COURT upang masupil ang mga PAG-ABUSO ng mga mambabatas.

Sabagay mga ka-ARYA.., may mga CONGRESSMAN o SENATOR ang kulang sa kaalamang intelektuwal.. dahil naiboto sila ng MAMAMAYAN sa pamamagitan ng perang ipinamumudmod.., na dapat sa mga susunod na halalan ay iboto ang mga INTELEHENTENG PERSONALIDAD na nagpapahalaga sa pagrespeto sa mga resource person na mapapakinabangan para sa paghulma ng mga kinakailangang batas!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.