Advertisers

Advertisers

Higit 100 property developers inaresto sa pagguho ng mga gusali sa lindol sa Turkiye

0 205

Advertisers

DAHIL sa pagguho ng maraming gusali sa Türkiye nang yanigin ng magnitude 7.8 na lindol, ipinaaresto ang mahigit 100 property developers doon kaugnay sa isasagawang imbestigasyon. Ang ilan sa dinakip, bibiyahe na sana palabas ng bansa.

Sa naglabasang video, makikita ang pagguho ng ilang gusali kahit ilang segundo palang sa unang pagyanig ng lindol noong Pebrero 6.

Libu-libong tao ang natabunan sa mga pag-guho, at marami pa sa kanila ang hindi nasasagip o nakikita.



Mahigit na sa 33,000 ang kumpirmadong nasawi sa lindol sa Türkiye at katabi nitong bansa na Syria.

Ayon sa vice president ng Türkiye, natukoy na ang mahigit 100 developer at kontratista ng mga gumuhong gusali sa may 10 lalawigan sa kanilang bansa.



Nangako ang kanilang gobyerno na iimbestigahan kung sino ang mga may pananagutan sa nangyaring mga paggguho.

Hanggang nitong Pebrero 12 , umabot na sa 113 ang inaresto. Kabilang sa mga dinakip ang property developer na si Mehmet Yasar Coskun, na hinarang ng mga pulis sa airport habang patungo sa Montenegro.



Si Coskun ang kontratista ng isang residential block na gumuho sa Antakya.

Sa kaniyang pahayag sa prosekusyon, sinabi nito na hindi niya alam kung bakit gumuho ang mga gusali.

Wala rin daw kinalaman sa trahedya ang kaniyang gagawing biyahe.

Dinakip rin ang developer na si Yavuz Karakus at kaniyang asawa na papunta na sana sa Georgia.