Advertisers

Advertisers

“4 birds in just one bullet”

0 353

Advertisers

Bagamat hindi ipinagbunyi ng Quezon City Police District (QCPD) ang matagumpay na paglutas sa kaso ng pinatay na “missing lola” na si Edilbertha Borruel Gomez, 79-anyos, nararapat pa rin na saluduhan natin ang pulisya sa pagpursige na madakip ang utak sa krimen.

Katunayan, nang ianunsyo ni QCPD District Director, PBrig. Gen. Nicolas Torre III, sa isang pulong balitaan nitong Pebrero 13, ang pagkalutas na panghoholdap, pagpaslang at pagtapon sa bangkay ng biktima sa isang bangin sa Tanay, Rizal, mababanaag sa mukha ni Torre ang lungkot at pakikisimpatiya sa iniwang pamilya ni Gomez lalo na sa sinapit ng biktima.

Nang matagpuan ang bangkay ni Lola Edilbertha sa Tanay, Rizal, siya ay kalansay na at may tama ng bala ng baril sa likuran bahagi ng ulo.



Enero 14, 2023 nagsimula ang kaso matapos na maiulat na “missing person” si Lola makaraang hindi makarating o maihatid ng taksi na kanyang sinakyan sa Mayon St, Quezon City mula Barangay Pinyahan, QC.

Ang driver na sinakyang taxi ng biktima ay si Mark Antony Valera Cosio alyas “Mac Mac”. Naunang nakilala at natunton mismo ng kaanak ni Eildbertha si Cosio sa bahay nito sa Villa Sabina Subdivision, Talipapa, Novaliches, QC. Nagawa nilang matunton si Cosio makaraang makakuha ng kopya ng CCTV at nakita dito ang plaka ng taxi maging ang taxi company.



Nakaharap ng kaanak si Cosio sa Barangay Hall ng Talipapa pero, ikinatuwiran ni Cosio na wala siyang matatandaan na isinakay na isang matandang babae dahil sa dinami daw ng naging pasahero niya. Bagamat, duda ang kaanak ni Gomez dahil halatang nagsisinungaling si Cosio sa kanyang pangangatuwiran.

Enero 25, 2023, minabuting ilapit ng kaanak ang kaso kay Torre na agad naman inatasan si PMaj. Dondon Llapitan, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na bumuo ng dalawang pangkat para sa agarang ikalutas ng kaso o pagtunton sa nawawalang si Gomez.



Sa imbestigasyon ng CIDU, sa tulong ng CCTV, 5:30 ng umaga, noong Enero 14, nang umalis sa kanilang tahanan sa Brgy. Pinyahan, Quezon City si Gomez, sakay ng taxi na may plakang NBG-1381. Sa pakikipagtulungan din sa pamunuan ng taxi company, positibo ngang si Cosio ang driver ng taxi na nagsakay sa biktima.

Ayon kay Llapitan, nakakuha rin sila ng impormasyon na may standing warrant of arrest sa manila Regional Trial Court si Cosio kaugnay sa ilegal na droga.

Bukod dito, Pebrero 2 nabatid din ng CIDU na sangkot si Cosio sa gun running; drug pushing, kidnapping, ang ilegal na pagbebenta ng pampasabog. Kinabukasan, nagkasa ng entrapment operation ang CIDU laban kay Cosio sa pagbebenta ng granda dahilan para maaresto.

Nang maaresto si Cosio, siya ay positibo pa rin itinuro ng kaanak ng biktima na siya ang driver ng taxi at siya rin ang nakaharap nila minsan sa Barangay Hall ng Talipapa, Novaliches, QC matapos na ipatawag ng barangay personnel para tanungin hinggil.kay Gomez. Ikinatuwiran naman ni Cosio na hindi niya matatandaan na may naging pasahero siya ng senior citizen pero, hindi naniniwala ang kaanak ni Gomez sa alibi ni Cosio.

Ano pa man, Pebrero 10, ayon kay Llapitan na sa patuloy na pag-imbestiga ay umamin si Cosio na naging pasahero nga niya si Gomez.

Noong Enero14, dinala ng taxi driver ang biktima sa La Loma, Quezon City, at binuntutan ng umano’y mga kasabawat ni Cosio na sina Rolando Masinos Picana, alias “Lanlan,” magkapatid na sina Keith Richard Robosa at Jimbo Robosa sakay ng kulay pulang Sedan.hanggang dalhin ang biktima sa Tanay, Rizal.

Sa pag-amin ay ikinanta pa si Cosio kung saan nila itinapon ang katawan ng biktima sa Tanay, Rizal. Peberero 11, narekober ng tropa ni Llapitan ang biktima sa isang bangin sa Tanay matapos silang samahan ni Cosio.Positibo naman kinilala ng pamilya Gomez ang katawan ng biktima.

Solved case, di ba mga kabayan? Pero hindi ikinatuwan ng QCPD ang pagkakaresolba dahil nga sa pangyayari – ang walang awang pagpaslang sa 79-anyos na kung saan ay wala naman itong kalaban-laban.

Heto pa ang ikinaganda ng pagkakalutas sa kaso, nalutas din ng QCPD ang pagpaslang sa isang Maria Cristina Capistrano na natagpuang patay din sa Brgy. Laug, Mexico, Pampanga nitong Enero 29, 2023 matapos na aminin din ni Cosio na ang tropa niya ang responsible sa krimen.

So, dalawang kaso na ang natutas…samantala, hawak na rin ng QCPD Station 8 ang magkapatid na Robosa matapos na madakip naman sa kasong robbery kaugnay sa panghoholdap sa Unioil Gasaloine Station sa Katipunan Avenue. Ikinanta ng Robosa brothers na kasama nila si Cosio sa panghoholdap.

So, tatlong kaso na ang nalutas…wait there is more. Si Cosio ay wanted din sa tropa ng PNP-Anti-Kidnapping Group para sa kasong kidnapping…,aba’y apat na kaso na ang nalutas sa pagkaaresto ni Cosio.