Advertisers
HINIKAYAT ng Senado ang Land Transportation Franchising and Regula-tory Board (LTFRB) na ipagpaliban ang plano nitong pag-phaseout ng mga tradisyunal na jeepney sa Pilipinas sa Hunyo 30.
Ito ay makaraang pagtibayin ng mga senador kahapon ang Resolution No. 44, na mahigpit na hinihimok ang LTFRB na suspindehin ang planong pag-phaseout habang hinihintay ang pagresolba ng mga hinaing na inihain ng mga apektadong operator at driver kaugnay sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng gobyerno.
Si Senadora Grace Poe, chairman ng Senate committee on public services ang nag-isponsor sa plenaryo at hinimok ang kanyang mga kasamahan na pormal na hilingin sa LTFRB na suspindehin ang pagpapatupad ng PUV Modernization Program.
Binigyan ng deadline ang mga tradisyunal na jeep na makabiyahe hanggang Hunyo 30, 2023.
“Hindi makatao, contrary to the Constitutional directive to promote social justice in all phases of national development,” sabi ni Poe.
“The LTFRB should be reminded that jeepney drivers do not have deep pockets. The most recent study estimates that their average daily take-home pay is meager P755,” punto pa ni Poe. (Mylene Alfonso)