Advertisers

Advertisers

Ex-Pres. Duterte sa kaso ni Teves

0 184

Advertisers

SABI ni ex-President Rodrigo “Digong” Duterte, kung siya pa ang presidente ng Pilipinas, patay na itong si Teves!

“Teves is lucky. I am no longer in power . Otherwise, another extrajudicial killing would be an issue,” talumpati niya sa isang okasyon sa Cagayan de Oro kamakailan.

Naniniwala ang dating pangulo na iligal na droga “played a role” sa paglikida kay Negros Oriental Governor Degamo noong Marso 4, kungsaan pangunahing suspek sa asasinasyon ang suspended representative ng 3rd District ng NegOr.



Si Teves, ayon sa mga post ng batikang kolumistang si Ramon Tulfo, ay isang drug lord.

Kung hindi nga raw naging “selective” ang war on drugs ng nakaraang Duterte administration, malamang buhay pa ngayon si Degamo.



Alam daw ng mga nakapaligid noon kay Duterte na si Teves ay drug lord. Maraming opisyal ng PNP diumano ang sumususo noon sa “drug money” ni Teves kaya hindi ito na-tokhang ng tropa ni noo’y PNP Chief ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Inamin narin noon ni Teves na naging drug addict siya.



Hindi lang si Teves ang pinalagpas sa war on drugs ng Duterte administration, maging ang “kumpare” ni Duterte na si Peter Lim na nag-courtesy call pa noon kay Duterte bago ito naglaho.

Si Peter Lim, malaking negosyante sa Cebu, ay kinumpirma ng PDEA na isang drug lord.

Isa pang negosyanteng Intsik na closed kay Duterte ang sinasabing sangkot sa iligal na droga ang hindi nagalaw sa war on drugs, ito’y si Michael Yang na ginawa pa noong Presidential economic adviser kahit na isang Chinese national.

Si Michael Yang ay isinasangkot din sa multi-billion anomaly sa pagbili ng mga pangontra sa Covid-19 noong pandemya.

Pero nilinis ni Duterte si Michael Yang sa mga isyung ito. Malinis na tao raw ito, isang bilyonaryo, at kailanman ay ‘di sangkot sa droga at anumang katiwalian sa gobyerno.

Tulad ni Peter Lim, si Michael Yang ay wala nang ingay ngayon.

Ilan pang Intsik na sangkot sa nahuling P6.4 billion halaga ng shabu sa Valenzuela City noong 2017 ang hindi kinanti sa war on drugs.

Base sa mga ebidensiya na inilabas noon ni dating Senador Antonio Trillanes, ang mga naturang Intsik ay barkada ng mga anak ni Duterte. May pictures pa sila noon na naghahapi-hapi.

Ang tanging kinasuhan dito ay ang tagalinis ng warehouse kungsaan nasamsam ang ilang toneladang shabu, na sinasabing 4th shipment na ng serye ng deliveries mula Taiwan simula nang maupong presidente si Digong noong 2016.

Nabanggit ko ang lahat ng ito dahil dito sa bagong pahayag ni Duterte na kung Presidente pa siya, tigok na itong si Teves.

Ibig bang sabihin ay blangko siya sa pagkatao noon ni Teves sa loob ng anim na taon niya sa puwesto?, samantalang alam ng mga nakapaligid sa kanya na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga ang mambabatas ng NegOr, sabi ni Tulfo!

Uulitin ko ang sinabi ni Kuyang Mon Tulfo, kung hindi naging selective ang war on drugs ng Duterte administration, dapat patay narin si Peter Lim lalo na yung mga Intsik na nasa likod ng P4.7 billion shabu na nahuli sa warehouse sa Valenzuela City, at ang mga responsable sa mga nagparating ng magnetic iron lifters na naglalaman ng daang kilong shabu (worth P2.4 billion) na nadiskubre sa Manila Int’l Container Port (MICP), at apat pang kaparehong iron lifters na natunton sa warehouse sa Cavite na sinasabing may lamang P6.8 billion worth of smuggled shabu noong 2018.

Ito’y sa kabila ng pangako noon ni Digong na wawalisin niya ang iligal na droga sa loob ng 3 to 6 months. Remember?