Advertisers
Halos tatlong linggo nang tambay sa loob ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang 61 anyos na lolo nang manakawan nang makatulog sa terminal.
Kinilala ang Senior Citizen na si Antonio Merilo, tubong-Batangas City.
Ayon kay lolo, naholdap siya noong March 14 sa loob ng terminal habang naghihintay ng bus at nakatulog na naka-charge ang cellphone sa kanyang tabi. Nakuha ng magnanakaw ang kanyang wallet na naglalaman ng P15,000 at ang kanyang naka-charge na cellphone.
Base sa CCTV ng PITX, isang suspek na nakasuot ng itim na t-shirt, naka-cap at naka-tsinelas ang nakitang nagmamadaling umalis ng terminal ng araw na nanakawan ang lolo.
Ayon naman sa matanda, malamang na binantayan siya ng kawatan na maka-idlip saka kinuha ang kanyang cellphone at wallet.
Nanindigan ang matanda na hindi muna siya uuwi sa Batangas hangga’t walang dalang maiuuwi.
Aniya, nawalan na siya ng pera at ayaw naman niyang mangamba pa ang kanyang pamilya dahil umaasa umano sila na may mahahanap siyang trabaho.