Advertisers
Mayroong ipapaabot na maliit na problema ang Usapang HAUZ sa energetic at kung bansagan hindi lang ng mga taga Taytay Rizal kundi sa buong lalawigin si Mr. Action Man Mayor Allan De Leon na alam naman ng lahat na sobrang busy ito sa mga prayoridad na proyekto ng kanyang bayan.
Masasabi nating maliit na problema lang na tila maliit pa sa langgam ang ipinarating sa Usapang Hauz ang halos dalawang linggo ng pinagtatalunan ng mga maybahay diyan sa Brgy. Muzon Taytay Rizal dahil sa isang “Pergalan”.
Derektahin na natin na ipagbigay alam kay Action Man Mayor De Leon na sa may harapan mismo ng garahe ng G-Liner bus company sakop ng Brgy Muzon ay dyan itinayo ang kinalolokohang pergalan hindi lang mga driver at kundoktor kundi pati na rin mga estudyante ang nahuhumaling dito.
Base sa impormasyong ipinarating sa atin paano nakapagtayo ng peryahan sa halos 150 square meters na lote samantalang kahit ferris wheel ay hindi ito kasya kaya purely ilegal na sugalan talaga ang target at hindi ang entertainment para sa mga bata ang tanong paano ito nabigyan ng permit?
Nais rin nating ipaabot sa kaalaman ng Mr. Action Man Mayor Allan De Leon na ipinangangalandakan ng may-ari ng pergalan na isang nagngangalang Aling Tessie at ang kanyang katiwala ay si Ferly na maliitan lang naman daw ang tayaan at halos hindi umano dinadayo, kaya pala may mga mag-asawa na napipintong maghiwalay dahil sa pagkagumon sa sugal na color games at iba pa.
Mayroon na rin umanong nagparating sa tanggapan ni Brgy. Muzon Chairman Buboy Santos hinggil sa nasabing pergalan subalit tila dedma lang si kapitan sa mga sumbong ng kanyang mga constituents, di bale po malapit na rin naman ang eleksiyon at alam na kung sino ang dapat isulat sa balota, dyan na po kayo makakaganti.
Iparating na rin natin kay Mr. Action Man Mayor Allan De Leon na umano’y maging ang kanyang hepe na si P/ Major Joel Custudio ay wala ring pakialam sa mga sumbong hinggil sa naturang pergalan, sabagay mas marami pang dapat unahing problema pag dating sa usaping peace and order, kaya pala may nakatambay na mobile patrol malapit sa bisinidad ng sugalan ni Aling Tessie na sila ang bahala sakaling may manggulo, good job Taytay PNP.
Hindi pa man umaaksiyon ang tinaguriang Mr. Action Man ng lalawigan, Taytay Mayor Allan De Leon ay nais ng sumaludo ang Usapang HAUZ sa inyong mabilis na pagtugon sa mga problema partikular ang pagkain sa hapag kainan ng mga kababayan mong mahihirap kaya agad na ipasara ang paano nagkaroon ng permit na ilegal na sugalan?
Mayor De Leon alam ng Usapang HAUZ na maliit na problema lang ang idinudulog sa iyo ng mga taga Brgy. Muzon na isara ang pergalan, at huwag na ring hintayin pang may masirang pamilya dahil sa pagkagumon sa sugal sa halip na ibili na lang ng bigas ay itataya pa.
Kaya Mayor Allan huwag na ikaw ang kumilos para ipasara subukan mo kayang pakiusapan sina P/Major Custudio at Chairman Santos na magsanib puwersa para ipahinto ang pergalan sa harap ng G-Liner bus company kung hindi naman nakakahiya sa kanila.
***
Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 09352916036