Advertisers

Advertisers

TNT tinambakan ang Ginebra, 116-104

0 149

Advertisers

NAGTALA ang TNT Tropang Giga ng panibagong Philippine Basketball Association rekord na may pinakamaraming triples sa finals sa pag-tungga sa Ginebra, 116-104,sa Game 4 ng Governors Cup Finals sa harap ng 16,203 fans sa Araneta Colesium sa Quezon City.

Binago ng Tropang Giga ang finals rekord na kanilang naitala noong 2015 na nagpasabog ng 21 triples laban sa Gin Kings.

Nagawa ng TNT na wala ang serbisyo ni RR pogoy,na manateling nakaupo hanggang sa matapos ang series dahil sa fractured finger na kanyang natamo sa Game 3.



Pinatunayan ni Rondae Hollis-Jefferson na karapat-dapat siyang maging best Import ng Conference sa iniskor na 36 points,10 rebounds,five assists, at three steals upang pamunuan ang Tropang Giga, na ipantay ang best-of-seven affair sa 2-2.

Jayson Castro nagdagdag ng 17 points off the bench.



Justin Brownlee pinamunuan ang Gin Kings sa kinamadang 28 points habang si Scottie

Thompson nagdagdag ng 22 points.



Christian Standhardinger, tinanghal na Best Player of the Conference award ay nalimitahan sa 10 points.