Advertisers

Advertisers

Trial by publicity itigil na sa Degamo case – Rep. Teves

0 211

Advertisers

Nanawagan ang kampo ni Negros Oriental District 3 Representative Arnie Teves sa Senado na maglabas ng batas hinggil sa ‘trial by publicity’ matapos ang naging pagdinig sa kaso ng pinaslang na si Governor Roel Degamo.

Sa Balitaan sa Tinapayan, sinabi ng legal counsel ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio na obvious na obvious ang panghaharas at panggigipit kay Cong.Teves na aniya ay government project.

Diin ni Topacio, sinasabi umano na ‘do not delay’ pero aniya March 4 pa nangyari ang krimen pero hanggang ngayon ay wala pa rin murder charge – preliminary investigation laban sa mambabatas.



Sa pamamagitan ng zoom, nagpahayag din ng pagkadismaya si Teves sa nangyayaring proseso ng pag-iimbestiga at pagdinig dahil kapag panig ng kabila aniya ng mga testigo ay hindi isinasailalim sa cross examination pero kapag sa kanyang panig ay iginigisa ng todo.

Pinuna rin ni Teves ang mga akusasyon na umano’y sinasabing may kongretong ebidensya na hawak ang gobyerno na siya ay terorista at may tactical connection sa Abu Sayaff, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at NPA na aniya ay sobra na at marami na silang ginagawang sarswela at sine.

“Alam ko gusto nila akong patayin, bihira lang naman ako magkamali sa sinasabi ko – pag mamatay ako, case close na ‘yan automatic ‘di ba dahil ako na nga ang suspek na wala namang ebidensya,” pahayag ni Teves.

Dagdag pa niya, kung case close na aniya ay bakit wala pang complaint at patuloy pa rin ang ginagawang search at paglabas ng search warrant sa kanyang mga ari-arian.

Nang tanungin ng media kung kelan ito uuwi sa Pilipinas, sinabi ni Teves na kung maari lamang ay uuwi na siya ngayon dahil napakahirap aniya ang kanyang kalagayan ngunit buhay at seguridad niya ang nakataya.



Iginiit ng mambabatas na uuwi siya ng Pilipinas kapag nakakita na siya ng ‘semblance of fairness’ kahit katiting lang sa dinadaos na pagdinig sa mga kasong ibinabato sa kanya.

Bukod rito kung kanyang mararamdaman na maaari na siyang maging kampante na magiging ligtas ang kanyang pagbabalik sa bansa.

Sa ngayon aniya kasi, hindi siya nabíbigyan ng patas na pagkakataon upang ipresenta ang kanyang panig.

Hinusgahan na aniya agad siya bago maisalang sa ímbestígasyon.

Binanggit din ni Teves na handa siyang pangalanan ang dalawang mataas na opisyal ng gobyerno na gusto siyang iligpit ngunit gagawin lang aniya ito kung pahaharapin siya sa executive session sa Senado.

Samantala, hinimok din ni Teves ang Department of Justice na silipin ang ibang anggulo sa kaso gaya ng sinasabi niyang ‘love triangle’ patungkol sa ilang sangkot sa insidente.(Jocelyn Domenden)