Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
MONTHSARY nina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales noong April 21. Simple lang nila itong ipinagdiwang. Kumain lang sila sa isang carinderia sa may Espana. O di ba, ordinaryong tao ang peg nina Rabiya at Jeric? Wala silang pakialam na sa carinderia lang kumain instead na sa isang mamahalin o sikat na restaurant.
Sa kanyang TikTok account, ibinahagi ni Rabiya ang simpleng monthsary celebration nila ni Jeric. Sa 42-second video, makikita ang magkasintahan na kumakain.
Pagbabahagi ni Rabiya,”Ito na nga, nagse-celebrate kami ng aming monthsary sa aming paboritong carinderia sa may España, ang Aling Tenyang’s.
“At ako ay nag-order ng lugaw at siya naman ay pares.
“Nag-order din kami ng dalawang piraso ng lumpia at ng aming paboritong tokwa’t baboy.”
Bagaman mabilis ang roll ng video, may eksenang sinubuan pa ni Jeric si Rabiya.
Sinabi rin ng aktres na sobrang sarap ng mga pagkain doon.
“Super sulit ng pera ninyo.
“Kami, ang nagastos lang yata namin is PHP177. At kita naman ninyo, guys, busog na busog kami. Enjoy na enjoy kami sa pagkain.
“Kaya totoo talaga yung sinasabi nila, guys, na simple things can be special when you have the right person in your life. Choose love!”
***
KUNG monthsary nina Rabiya at Jeric noong April 21, birthday naman ito ni Luis Manzano.
Binati siya ng kanyang amang si Edu Manzano na idinaan nito sa kanyang Instagram account.
Punung-puno ng pagmamahal ang naging mensahe ni Edu para sa anak.
Sabi ni Edu,”Dear Luis, happy 42nd birthday! On this special day, I want to convey my heartfelt blessings and congratulations on your recent blessings of having a wife and daughter.
“You have always shone as a son, but now, as a loving husband and father, you radiate even brighter.
“It brings me immense joy to see you take on these new roles with such devotion and dedication. I have no doubt that you will be an incredible partner to Jessy [Mendiola] and a wonderful father to Isabella Rose,” sey pa niya.
Hiling naman ni Edu ang kaligayahan ng anak at pinaalalahanan ito kung gaano siya kamahal ng mga tao sa kanyang paligid.
“I am incredibly proud of the man you have become and excited to see where this new chapter in your life takes you.
“With all my love, Dad,”
Sagot naman ni Luis, “Love you daddyo!!”