Advertisers

Advertisers

SANDIGANBAYAN: MAGUINDANAO EX-GOV. AMPATUAN KULONG NG 848 YRS., PROV’L ENGR. 908 YRS!

0 123

Advertisers

IPINASYA na ng Sandiganbayan ang conviction ni dating Maguindanao governor Datu Sajid Ampatuan hinggil sa 130 criminal cases na ‘final and executory’.

Sa isang resolution na may petsang April 20, pinagtibay din ng anti-graft court ang order nito na pag-isyu ng arrest warrant laban kay Ampatuan, ngayo’y incumbent vice mayor ng Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao del Sur.

“The requirements for allowing a convicted accused to regain standing and to avail of the remedies under the Rules of Court have not been complied with. There being no motion for reconsideration or notice of appeal filed within the 15-day period, the Court’s judgment has now become final and executory,” sabi ng Sixth Division ng Sandiganbayan sa pitong pahinang resolution nito.



Sa pagkadeklara ng desisyon bilang ‘final and executory’, hindi na maaring umapela pa si Ampatuan sa Sandiganbayan matapos na hindi ito magpakita sa korte at ‘di pagsuko para humingi ng post-conviction remedies. Pero maari pa siyang umapela sa Supreme Court.

Si Ampatuan ay nagsumite ng medical certificates na may petsang Feb. 3 at 22, nagpapakita na ito’y dumaranas ng ‘acute gastritis’ at ‘swollen knees’ dahil sa gout, kaya hindi ito makapagbiyahe.



Pero sabi ng anti-graft court sa medical certificates ni Ampatuan, ito’y nirekomendado lamang ng “rest” at hindi sinabing bawal bumiyahe.

Sa pagpahayag ng hatol noong Pebrero 9, ipinaalam din sa anti-graft court na si dating Maguindanao provincial engineer Datu Ali Abpi, isa sa co-accused, ay namatay na.
Pero itinuloy ng Sandiganbayan ang sentensiya laban kay Abpi, ipinuntong walang nakasaad sa notice na sanhi ng kamatayan o petsa ng kamatayan. Ang notice ay wala ring backup na orihinal na kopya ng death certificate, sabi ng anti-graft court.



Si Ampatuan ay nahatulang guilty ng 126 counts sa ‘falsification of public documents’ at 4 counts sa ‘graft’ at ‘malversation of public funds’ na may kaugnayan sa ghost procurement ng construction materials para sa public works noong 2009. Hinatulan siyang makulong ng 848 years.

Si Abpi naman ay ‘guilty’ ng 136 counts sa falsification of public do-cuments, 4 counts sa graft, at 4 counts sa malversation. Hinatulan siyang makulong ng 908 years.

Pinagbabayad din si Ampatuan ng P62 million na multa, habang si Abpi ay inatasang magbayad ng P70.05 million.

Ang iba pang co-defendants ay sina dating provincial accountant John Dollosa Jr., dating provincial treasurer Osmeña Bandila, dating general services office chief at Bids and Awards Committee chairman Kasan Macapendeg, dating provincial administrator Norie Unas, at dating provincial engineer Landap Guinaid.

Sina Dollosa at Bandila ay nanatiling at large, habang ang iba ay namatay habang isinasagawa ang trial.