Advertisers

Advertisers

Proseso ng pagdeklarang terorista kay Teves nagsimula na

0 156

Advertisers

NAGSIMULA na ang proseso ng Department of Justice (DOJ) para ideklarang “terorista” ng Anti-Terrorism Council ng bansa si Negros Oriental Representative Arnolfo Teves.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, tatlong iba pang indibidwal ang maaaring mai-tag na terorista kasama ang mambabatas.

Aniya, nagsimula na ang pagpapakilala kay Teves bilang terorista at nabuo na ang isang technical working group upang magrekomenda sa ATC kung dapat na kilalanin siyang terorista.



Sinabi ni Remulla na kasama sa basehan ng pagkilala kay Teves bilang terorista ang kanyang diumano’y pagkakasangkot sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Nagsimula narin ang paghahain ng kasong multiple murder, frustrated murder, at attempted murder laban kay Teves.



Pinabulaanan naman ni Teves na sangkot siya sa pagpatay kay Degamo at nakakatawa, aniya, na isipin na itinuturing siyang terorista nang hindi paman naisasampa ang anumang kaso laban sa kanya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">