Advertisers

Advertisers

El Niño team target buuin ng DILG sa loob ng 10 araw

0 106

Advertisers

INIHAYAG ng Department of Interior and Local Government (DILG) na bubuo ang ahensya ng team sa loob ng 10 araw na nakasentro sa paglalatag ng mga solusyon sa El Niño phenomenon.

Sinabi ni DILG Director Allan Tabel, inatasan sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumuo ng El Niño Team para maiwasan ang current setup ng kasalukuyang El Niño task force na pinangangasiwaan ng National Economic Development Authority (NEDA). Ang El Niño Task Force ng NEDA anya ay dapat nang mabuwag sa pagbubuo ng El Niño team ng DILG.

Ayon kay Tabel na ang NEDA, batay sa kanilang pag-uusap sa ibang opisyal ay naka-focus sa rehabilitasyon at post-impact ng El Niño.



Pahayag ni Tabel, ang El Niño team ay pangangasiwaan ng DILG kasama ang Office of Civil Defense at Department of Agriculture gayundin ng ilang experts sa enerhiya at iba pa. Ang PAGASA ang main agency ng team.