Advertisers
MAY libreng sakay ang mga manggagawa sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day ngayong May 1.
Subalit paglilinaw ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino na pili lamang ang mga oras upang makuha ang free rides.
Kailangan ding magpakita ng valid ID upang ma-avail ito.
Narito ang listahan ng mga oras na may libreng-sakay:
LRT-2 7:00 am to 9:00 am, 5:00 pm to 7:00 pm
MRT-3
7:00 am to 9:00 am, 5:00 pm to 7:00 pm