Advertisers

Advertisers

Crime student palang, ‘tulak’ na

0 126

Advertisers

Arestado ang isang criminology student sa buy-bust operation sa Quezon City.

Ayon sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD), matagal nang kabilang sa kanilang drug watch-list ang 23 anyos na suspek, na nahuli sa operasyon sa Barangay Gulod, Novaliches.

Kasali ang suspek sa isang grupo na nagbebenta ng marijuana sa Quezon City at Caloocan.



Nakuha sa suspek ang isang bag na naglalaman ng 4 sachet ng marijuana, na may bigat na 40 gramo at halagang P4,000, ayon sa pulisya.

Aminado ang suspek na nakuha sa kaniya ang droga pero itinangging ibinebenta niya ito.

Ayon sa suspek, na magtatapos na sana sa kursong criminology, ginagamit lang niya ang droga dahil nakakatulong sa kanyang pag-aaral.