Advertisers
Inaresto ang isang guro ng pribadong paaralan nang gahasain umano ang 13 anyos na bababeng estudyante sa Quezon City noong Biyernes.
Kinilala ni Brig. General Nicolas Torre III, Quezon City Police District director, ang suspek na si Frank Evan Lupango, 25.
Inaresto si Lupango ng mga tauhan ng QCPD Station 10 nang magreklamo ang mga magulang ng biktima..
Ayon sa salaysay ng hindi na pinangalanang dalagita sa kanyang mga magulang, hinalay siya ng guro sa loob ng kanilang silid-aralan noong Huwebes at kinabukasan sa music room.
Sinampahan ng kasong rape at child abuse si Lupango.