Advertisers
Sa police intelligence community, gospel truth ang pagiging untouchable ng father & son tandem na DOCE at DELTA pagdating sa larangan ng iligal na sugal partikular na nga ang pamoso at walang kamatayang JUETENG.
Si DOCE, ama ni DELTA ang haligi ng nasabing iligal na sugal na tinatangkilik ng milyong mga Pilipino .
Sa Central Luzon at iba pang lugar sa bansa,ang pagtama sa JUETENG ang laging laman ng panalangin ng bawat pamilya.
At dahil din sa JUETENG,naging bilyonaryo ang dating hamak na kutsero.
Naging political powerful bigwigs naman ang asawa at mga anak nito.
At si DOCE na bagamat napanot na at uugud- ugod ay nananating hari at kinakatakutan maging ng pinakamataas na opisyal ng pambansang kapulisan (PNP).
Ang bawat salita at gustuhin nito ay batas.
Sa Central Luzon na binubuo ng pitong (7) lalawigan naroroon ang balwarte at kaharian nito.
Literally DOCE lives like a king.
No wonder,kahit ang regional director ng PNP Region 3 na si B/General Jose Hidalgo Jr. ay bahag ang buntot dito kay DOCE.
Inutil ang mamang heneral na sugpuin ang jueteng empire nito na nakakalat sa kanyang buong AOR.
Kung inutil si Gen.Hidaldo, eh di mas lalong inutil ang lahat ng kanyang police provincial directors.
Sa direktang salita,untouchable talaga ang pa- jueteng ni DOCE sa mga tauhan ni newly installed PNP chief,Gen.Benjamin Acorda Jr.
Dahil mismong si Acorda ay talagang walang magagawa at walang bayag na banggain si alias DOCE.
Speaking of DOCE,bagamat nasa kanya na ang lahat ng materyal na bagay sa balat ng lupa, unti- unti na itong ginugupo ng samut- saring karamdaman at katandaan kung kaya’t handa na nitong ipasa sa pulitikong anak na si DELTA ang kanyang trono.
Si Delta na rin kasi halos ang namamahala ng lahat ng negosyo ng ama.
Kaya naman pala kahit anong hataw natin sa presensiya ng iligal na sugal sa PNP Region 3 na pinamumunuan nga nitong si Gen.Hidalgo ay walang nangyayari.
Lalo pang dumami ang iba pang sugal- lupa sa nasasakupan ng Region 3.
Kadalasan kasi kapag bagong upo ang PNP chief, tigil muna lahat ng sugalan gaya ng mga pergalan. Kabaliktaran ito sa pagpasok ni PNP chief,Gen.Benjamin Acorda, mas matibay ang Region 3 sa pagpapatuloy ng mga sugalan sa AOR nila sa utos nina alyas Parak at Jun Cruz na kapwa nagpapakilalang designated bagmen/kolektong ni Gen.Hidalgo. Kaya pala ayon sa ating source, nagdagdag ng presyo sa timbe o intel ang dalawang kupal na si Parak at Jun Cruz at humirit ulit ng panibagong goodwill para sa bagong upong PNP chief…
What?
Kaya naman pala parang sampal kay Gen.Acorda ang ipinakita ng mga operators ng pergalan sa Bulacan dahil kahit nanunumpa pa lang bilang bagong PNP chief itong si Acorda,tuloy lang ang ligaya este sugalan nila dahil sa pinagmamalaki nilang may goodwill na silang binigay.
Namumutiktik na po sa dami ng peryang may sugal ang lalawigan ng Bulacan ni Governor Daniel Fernando.
Ganoon din ang katabing probinsiya ng Pampanga,Bataan,Nueva Ecija,Zambales at buong region 3.
Nganga lamang dito ang kayang gawing hakbang ni Gen.Hidalgo.
Paano mo nga namang huhulihin ang mga pergalang ito samantalang ang jueteng ni DOCE ay mistulang legal na?
Ano kaya ang masasabi ni DILG Sec.Benhur Abalos dito na kumpareng buo umano ni DOCE at ng miss nitong si Nanay Baby!
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com