Mayora Honey nagdiwang ng bday sa mga seniors at bagets
Advertisers
IPINAGDIWANG ni Manila Mayor Honey Lacuna ang kanyang kaarawan sa piling ng mga senior citizens at mga bagets na pawang mga ka-bday niya nitong Sabado, May 6.
May may 300 na senior citizens na nagmula sa anim na distrito ng Maynila ang hinandugan ng buffet party sa San Andres Sports Complex.
Binigyan din ni Mayora Honey ng dalawang birthday cakes ang bawat isa. Ang una ay mula sa alkalde at ang pangalawa naman ay mula sa city government. Kasama ring binigay ng alkalde sa mga seniors ay ang mga envelopes o ‘angpao’, pati na rin bags na naglalaman ng vitamins at gatas.
Sinabi ng kanyang chief of staff na si Joshue Santiago na ang mga senior citizens na dumalo sa kanyang party blowout ay sinundo at hinatid ng mga bus.
Ayon pa kay Santiago, may 74 na senior citizens ang hindi na nakapunta dahil sa mga bedridden o physically unable na ang mga ito at hindi na kayang bumiyahe.
Gayunman, iniutos pa rin ni Lacuna na bigyan sila ng parehong birthday gifte na idi-deliver sa kanilang bahay.
Nakipagkantahan at sayawan ang lady mayor sa mga senior citizens na hinarana ng mga banda.
Ganap na alas-dos na ng hapon nang magtungo naman si Lacuna sa Manila Zoo kung saan siya ay nagbigay ng blowout sa may 154 kabataan na binigyan ng pagkain, birthday cakes, stuffed toys, loot bags, ‘angpao’ at free tickets sa zoo pati na ang kanilang mga kasama.
Ang mga bata ay sinundo papunta sa zoom at hinatid din sa kani-kanilang mga bahay.
Matapos ang party na natapos ng alas-kuwatro ng hapon ang mga bata ay namasyal na sa zoo.
Nang tanungin kung ano ang kanyang birthday wish, sinabi ni Lacuna na ang tanging hiling niya ay ang patuloy na tiwala at suporta ng mga Manileño sa kanya, na kanya rin pinasasalamatan sa kumpyansang ipinagkakaloob sa kanya.
Tiniyak din ng alkalde sa lahat ng residente ng lungsod na patuloy niyang ibibigay ang lahat ng kanyang makakakaya sa pagkakaloob sa kanila ng de kalidad na serbisyong nararapat sa kanila. (ANDI GARCIA)