Advertisers

Advertisers

NGCP NATUNTON ANG UGAT NG BROWNOUT SA LUZON!

0 148

Advertisers

ANG hindi inaasahang pagkawala ng 2 units ng isang malaking power plant ang dahilan ng brownout sa Luzon nitong Mayo 8, nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Bagama’t naunang bumigay ang Bolo-Masinloc 230kV Line 2, ito ay mayroon N-1 contingency na nangangahulugang nag-o-operate ito ng may redundancy. Nang mag-trip ang Line 2, ang load na dala nito ay awtomatikong nailipat sa Line 1. Alinman sa Line 1 o 2 ay may kakayahan ihatid ang kabuuang load para sa Bolo-Masinloc 230kV facility kahit anong oras.

Dapat ay ‘di na naramdaman ng mga konsyumer sa Luzon Grid ang pagpiyok na ito dahilan nga sa agarang pagsalo ng nalalabing linya. Ngunit nagkaroon ng hindi inaasahang pagkawala sa isang generating plant at nagdulot ito ng tuluyang pagkawala ng balanse sa supply and demand kaya nangyari ang “red alert”.



“It should have ended there. Similarly, there was an unexpected and undesired response from a generating plant which tipped the balance of supply and demand, and a red alert was raised,” sabi ng NGCP.

Dagdag pa ng NGCP, bago ang nangyaring biglaang pagbitaw ng power plan, nagkaroon na rin ng pagpalya ng mga planta sa Luzon na wala sa napagkasunduang schedule. Ang mga hindi planadong outages ay labag sa Grid Operating and Maintenance Program na pinagkasunduan ng NGCP at power plants at aprubado ng Department of Energy (DoE).

Tiniyak ng NGCP na kukumpletuhin ang malalaking transmission pro-jects sa loob ng mga darating na buwan upang mapalakas ang transmission system at mapagbuti ang suporta sa power system.

“Patuloy naming itataguyod ang holistic approach sa power planning. Ang pag-aayos sa lahat ng sector sa power industriya – mula sa power plant, papunta sa transmisyon, at sa distribusyon – ay kinakailangang magkakaugnay, para iisang tono lang ang ating kinakanta, at walang magiging sintunado,” sabi ng NGCP. “Kailangang nabibigyan ng sapat na atensyon bawat isang sektor para hindi masyadong naghahabol at napupwersa ang buong Sistema,” dagdag ng kompanya.

Sinusuportahan namin ang Department of Energy sa lahat ng pagsisikap nito, at tiwala kami sa patuloy nitong paggabay sa lahat ng sektor,” sabi ng kompanya.



Tiniyak din ng NGCP sa publiko at sa lahat ng stakeholder na ginagawa nito ang lahat ng kanilang makakaya sa larangan ng transmisyon upang makapagbigay ng solusyon at maiwasan ang kahalintulad na insidente. “Hiling din lang namin na tumulad ang ibang sektor at sabayan kami sa paghanap ng solusyong pangkalahatan at pangmatagalan.”