Advertisers

Advertisers

Jason at Moira ginagawang tanga ang publiko

0 172

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA online show niya na Showbiz Now Na, naiinis na nag-comment si Cristy Fermin tungkol sa estranged couple na sina Moira dela Torre at Jason Hernandez, na umano’y pinaglalaruan lang ang publiko.
Trending kasi sina Moira at Jason matapos kumalat ang chikang muli silang nagkabalikan matapos ang halos isang taon nang paghihiwalay.
Ito ay may kinalaman sa pagpo-post ni Jason ng larawan kasama ang “mystery girl” na sinasabi ng mga netizens na si Moira raw, dahil sa pagkakahawig ng singsing at ng bracelet.
Binalikan pa nga noon nina Cristy na nauna raw noong nag-post si Moira ng larawan kung saan kuha mula sa kanyang likod habang may kasamang lalaki.
May mga nag-akalang si Jason ito at nagbalikan na sila, na agad namang pinabulaanan ni Moira.
Naiinis na sabi ni Cristy, “Bulok na bulok ang ginagawa ninyong pagpapapansin. Nakakainis lang, ginagawa n’yong tanga ang publiko.
“Ginagawa n’yong tanga ang mga bashers ninyo at lalong ginawa n’yong tanga ang sarili ninyo.”
Hinamon pa ni Cristy ang dalawa na ipakita sa publiko kung sino ang mga kasama nila at hindi puro paintrigang larawan ang ibinabandera nito sa social media.
“Face reveal ng hindi kayo nanggugulo ng mga nananahimik. At kung gusto ninyo maging relevant, ipakita ninyo kung sino ‘yang mga kasama ninyo,” hirit pa ni Cristy.
Sa tingin ni Cristy, baka raw may bagong kanta na namang iri-release ang dalawa kaya nag-iingay ang mga ito.
***
INDING INDIE MANAGEMENT NAPILI SINA CLARK SAMARTINO AT CHERIN MARUJI BILANG KING AND QUEEN SA FASHION SHOW FOR A CAUSE
NAKAPILI na ng King and Queen ang pamunuan ng Inding Indie Management para sa fashion show for a cause titled The Whirl to Flower Castle. At ang deserving na napili ay si Cherin Maruji bilang reyna ng mga models.
Si Cherin ay nakapunta na sa halos 30 countries at ipinagmamalaki nya na marami na siyang nagawang proyekto sa bawat bansa. Kaya nauunawaan din nya ang mga pinagdaanan ng mga models na nangangarap sumikat. Ang isang wish ni Cherin ay magpatuloy sa pag-maintain ng pagiging good example sa mga tao kaya isa sa naisip niya ay tulungan ang event na ito na magsi-celebrate ng ika 5 taon sa industriya ng fashion show.
Samantala, si Clark Samartino ay isang kontrobersyal na personality sa larangan ng vlogging at social media. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na galing ito sa dating manager na si Merly Peregrino ng Team Abot Kamay. Pero kamakailan lang ay umalis na ito roon, dahil nais nya magbagong- buhay, at ayaw na niyang balikan ang mapapait na karanasan sa naturang management na hindi maitatangging may nagawa rin namang mabuti sa kanya kahit paano.
Sa isang interview ni Clark, isiniwalat niya lahat dito na nagpakumababa siya sa mga person with disability sa mga nasabi niya noon dahil sa isyu ng naudlot na movie. Kaya heto bumabawi sya at tinanggap niya ang offer na maging King ng naturang fashion show for a cause na labis ikinatuwa ng presidente ng inding indie na si Ron Sapinoso.
Samantala, todo suporta rin ang CADE Mommies sa ibang bansa kasama sina Ms. Ahl Vergara, Dorothy Cruz, Ma. Corazon Huth, and Edstar Juan sa King na si Clark. Ang fashion show for a cause ay idinesenyo ng award winning designer at nurse na si Christian Castillo na hindi rin nagpahuli sa magagandang design na nasaksihan sa Philippine Veterans Museum.
Ito na ang isa sa pinakamalaking event ng taon, dahil maraming princess and prince din na dadalo kabilang sa princess ay sina Lyra Zafra, Antonette Leviste, Louise Touscah, Audrey Jayla Payopelin,Oshin Queen Trinidad Manuel,Paula Ronquillo,Ruth Angelica Estella,Criselle Montañez, Alexandrea Gui, Charice Toradio, Floryza Kim, Thea Java, Jo Aena Dane M. Micoleta, Mhariane Joy H. Quiminales,Honey Xyza Mikael Reyes Espino, Myllajane Jimenez, Kashica Cruzzei Lacson Borja, Danaj Cabatingan,Yawa Diwa,Celine Badillo. Sa mga prince naman ay sina Rolando Trasmil Santos, Fitzerald Friginal, Paul and Richard Robinson, Albert and Austin Gui, Jaren Euri M. Micoleta, Sir Jaedenh Chase Garing, John Carl Garcia at Johann Olivo.