Advertisers

Advertisers

SPD Dir. P/Brig. Gen. Kirby Kraft walang paki kay Makati gambling lord Sybil?

0 185

Advertisers

Bakit kaya hanggang ngayon ay patuloy sa pamamayagpag ang isang alias Sybil na siyang may hawak ng talamak na illegal gambling sa Siyudad ng Makati na teritoryo ng mga Binay.

Hindi naman sinasabi ng mga Ka Usapang HAUZ na hindi kumikilos ang tanggapan ni Makati Mayor Abby Binay para ipatigil ang lahat ng uri ng illegal vices sa kanyang nasasakupan, tigil nga maliban sa hawak na pasugal ni Sybil.

Bago po natin ituloy mga Ka Usapang HAUZ ang ginagawang pamamayagpag ng mga illegal gambling activities ni Sybil sa Makati ay nais nating ipaalam sa mga taga subaybay na ang sakop ng Southern part ng NCR ay kinabibilangan ng Taguig-Pateros, Makati, Muntinlupa, Paranaque, Las Pinas at Pasay ang mga siyudad na ito ang pinaglilingkuran ng magiting na SPD PNP Dir. P/ Brig. Gen. Kirby Kraft.



Pero parang natabunan ang salitang magiting kay DD Gen. Kraft dahil sa hanggang sa ngayon ay nakangiti abot tenga ang gambling lord na si Sybil wala kasing gumagalaw dito at patuloy ang pamamayagpag sa pagpapataya ng ilegal sa sugal tulad ng Suertres kabilang pa ang Easy2 at Lotteng.

Alam naman ng Usapang HAUZ kung gaano ka abala si DD Kraft sa pagpapatupad at pagmamando ng katahimikan sa buong Southern part ng NCR at iba pa tulad ng pagtugis sa ipinagbabawal na gamot kaya siguro hindi na mabigyan pa ng pansin ang illegal activities ni Sybil.



Kung hindi naman abot sa kaalaman ni DD Kraft ang gawain ni Sybil ay mas mabuti sigurong kausapin nito ang kanyang COP ng Makati sa katauhan ni Col. Edward Cutiyog para magkaroon ito ng impormasyon kahit paano.

Sayang ang ginawang paglulunsad ng Makati City PNP ng tinatawag na CUTIE o Cooperation, Unity, Transparency, Integrity, Equality kung mayroong isang Sybil na patuloy sa pamamayagpag ng ilegal na pasugal isama na rin ang bookies ng karera ayon yan sa mga reklamong ipinarating sa Usapang HAUZ.



Sakali namang agad maaksiyunan ang pagbuwag sa illegal gambling operation ni Sybil ay isang napakagandang accomplishment ito para kay DD Gen. Kraft at Col. Cutiyog na alam kong hindi papayag na mapalusutan siya ng kanyang mga tauhan.

FYI Col. Cutiyog ang sinasabing main area ng operation ni Zybil ay sa JB Roxas Street, Bgy. Olympia ng lungsod, ayan po Gen. Kraft binigyan kita ng konting detalye para sa agarang pagbuwag sa illegal gambling activities ni Z.

Eto pa po DD Gen. Kraft sir, isang kulay green na gate ang labas-pasok ang mga kabo at kolektor dito kung saan ay malawakan ang kubransa ng kanilang illegal na pataya sa Barangays Olympia, Poblacion, Carmona, Singkamas, Kasilawan, Valenzuela, Tinejeros, Sta. Cruz, Guadalupe, La Paz, San Antonio.

Idagdag na rin natin sa kaalaman ni DD na ang kabo sa Olympia, Sta. Cruz, Valenzuela, Carmona ay si Sense. Si Adin naman ang may hamak sa Tinejeros, Aguilar at Varona Streets, samantalang sina Anog at Moymoy ang mga siga naman sa Esperan at Dizon Streets.

Nasisiguro ng Usapang HAUZ na sa mga impormasyong ito ay hindi na mahihirapan si Col. Cutiyog na ipabuwag ang naturang sindikato, lalo na at malaki ang tiwala sa kanya ni DD isama na rin natin si Mayor Abby.

Kaya sir DD Gen. Kraft, para mabura ang sinasabing wala kayong paki kay Sybil ay mas mabuting pakilusin ang Intel Unit mo.

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 09352916036