Advertisers

Advertisers

5 PULIS-CEBU NANG-TORTURE AT NANG-RAPE NG TEENAGER

0 175

Advertisers

KINASUHAN ang limang pulis at isang police asset sa akusasyon ng torture at panghahalay sa 19-anyos na babae sa Cebu City.

Isinumite ng National Bureau of Investigation – Central Visayas (NBI-7) ang kaso sa Visayas Ombudsman nang magpasaklolo ang 19 -anyo sa babae sa ahensya.

Kinilala ang mga akusado na sina Police Corporals Johnrober Ortega Rebusa, Jeffrey Patoc Alabata at Keven Zosa Gilbuena; Staff Sergeants Donald Aboy Balansag at Joy Marie Alad-ad, pawang miyembro ng drug enforcement unit ng Cebu City Police Office station 11 na nakabase sa Barangay Mambaling.



Kabilang din sa kinasuhan ang police asset na si “Luis”.

Sa ulat, Setyembre 19 ng nakaraang taon nang magsagawa ang mga pulis ng drug raid sa Barangay San Nicolas. Pumasok umano ang mga pulis sa bahay na pagmamay-ari ng kaibigan ng biktima at naiwan ang teenager na ‘di pinangalanan nang magpulasan ang mga tao.

Pero imbes na sa presinto, sa isang apartment umano dinala ang teenager ng mga pulis kungsaan nangyari ang interogasyon, torture, at panggagahasa sa kanya.

Ayon sa ulat, paulit-ulit na pinalo ng mga pulis ang mga kamay ng biktima gamit ang walis at dust pan. Nagbanta rin umano ang mga ito na hubaran at lunurin ang biktima.

Madaling-araw ng Setyembre 22 nang gahasain umano ang biktima ng police asset na si alyas Luis. Tapos pinakawalan ang biktima nang araw din iyon.



Ayon kay Lt. Colonel Gerard Perare, tagapagsalita ng PNP Region 7, hindi lehitimo ang naging operasyon ng mga pulis.

“Ito pong operation na ito or the activity was not sanctioned by the station concerned… These were done in their private capacity or personal capacity because as a matter of policy po, this is not how the PNP conducts its operations,” pahayag ni Perare.

Ayon kay Perare, nasa floating status ang mga akusadong pulis, at magsasagawa din sila ng imbestigasyon para masampahan ng administratibong reklamo ang mga ito.

Pero dagdag ng opisyal, may mga hinahap pa silang iba pang maaaring sangkot sa krimen.
“Yung na-file na complaint ng NBI-7, may mga John Doe doon, ‘yun po ang nilagay, so ‘yun po ang trajectory natin in the conduct of the administrative investigation,” aniya.

Dagdag ni Perare, kinasuhan ang 5 pulis ng kidnapping, serious illegal detention with rape, at paglabas sa Section 5 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.