Advertisers

Advertisers

P190m shabu huli sa 2 bigtime tulak sa Laguna

0 166

Advertisers

NALAMBAT ng Calamba City Police Station at ng Laguna Provincial Intelligence Unit ang dalawang “high value individual” na mga nagbebenta ng iligal na droga at nakuhanan ng P190 milyong halaga ng shabu sa drug-buy bust operation Miyerkules ng hapon sa Ciudad Verde Purok 2, Barangay Makiling ng lungsod.

Kinilala ang mga nadakip na sina Dona Gali alyas “Madam”, 37 anyos, ng Tennisse Subdivision, Brgy. San Pablong Nayon, Sto. Tomas City, Batangas; at John Erwin Cadilina alyas “Erwin”, 37, ng 233 Larino Street, Brgy. Lecheria, Calamba City.

Sa ulat ni Lieutenant Colonel Milany E. Martirez ng Calamba City Police kay Laguna Provincial Police Office (LPPO) Colonel Randy Glenn Silvio, nakipagtransaksyon ang dalawang suspek sa dalawang undercover agents na nagpanggap bibili ng isang plastic sachet shabu na nagkakahalaga ng P60,000, at nang magpositibo ang transaksyon ay agad inaresto ang dalawa.



Nang tingnan ng mga otoridad ang isang Toyota Hi-Ace Van (DAU 4569) na gamit ng mga suspek, nakita rito ang 24 piraso ng transparent plastic na naglalaman ng shabu na may bigat na 28 kilos na nagkakahalaga ng P190,400,000.

Pansamantalang nakaditine sa Calamba City Police habang inihahanda ang mga kaso laban sa mga ito.(KOI LAURA)