Advertisers

Advertisers

‘Missing’ na kolehiyala patay nang matagpuan

0 157

Advertisers

BANGKAY na nang matagpuan ang 21 anyos na kolehiyala na nawawala noon pang Sabado sa Tuguegarao City.

Kinilala ang biktima na si Jasmine Grace Casale.

Natagpuan ang bangkay ni Casale sa Barangay Annafunan East ng lungsod.



Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, posibleng minolestiya ang biktima dahil ayon sa testimonya ng mga saksi, punit-punit ang kanyang damit nang matagpuan.

Napag-alaman sa police investigation na umalis ang biktima sa kanilang bahay gabi ng Sabado at sinabing makipagkita sa kaibigan.

Hindi na siya nakauwi kaya inalerto ng kanyang mga magulang ang pulisya at nag-post din sa social media upang mahanap ang kanilang anak.

Iniimbestigahan pa ang insidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">