Advertisers

Advertisers

Misis at kabit huli ni mister

0 155

Advertisers

IPINADAKIP ng isang mister ang kanyang misis at kalaguyo nito nang mahuli na nagkukulong sa banyo ng isang bahay sa Silang, Cavite nitong Martes.

Kapwa nakaditine sa Silang Police Station ang magkalaguyo na sina Sherly Alvarez, 48, overseas Filipino worker (OFW) at residente ng Barangay Maguyam sa nasabing bayan; at Ylland Cruz, 32, binata, housekeeper at residente ng Bukluran 4, Silang.

Mismong mga anak ng mag-asawang Sherly at Edilberto, jeepney operator, ang nagreklamo sa pulisya tungkol sa pagkahumaling ng ina sa ibang lalaki.



Nahuli ang magkabit sa isang bahay sa Mallorta Village, nagtatago sa loob ng banyo 10:30 ng umaga.