Advertisers

Advertisers

Mommy gamit 3 anak sa online kalaswaan

0 281

Advertisers

KULONG ang isang ina sa paggamit sa tatlong menor de edad na mga anak sa online kalaswaan sa Dinalupihan, Bataan.



Sinalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation ang bahay ng ginang kungsaan ginagawa ang kahalayan sa kaniyang mga anak.

Ang mga biktima, kinukunan ng ina ng mga malalaswang larawan at video na ipinapadala sa kaniyang mga kliyente sa ibang bansa.

Inaresto ang ginang nang makumpirma ang ebidensya sa mga nakumpiskang cellphone na naglalaman ng child sexual abuse at exploitation materials.

Nagsagawa ng operasyon ang NBI nang makakuha ng impormasyon mula sa Australian Federal Police tungkol sa isang nadakip na Australyano na nag-iingat ng child sexual abuse at exploitation materials.

“Na-identify po nila na mukhang Filipino po itong mga depicted sa photographs and videos kaya ni-refer po nila sa atin,” sabi ni Atty. Gertrude Manandeg, Deputy Spokesperson ng NBI.

Nagsasagawa rin ng imbestigasyon ang NBI sa iba pang Pinoy na posibleng naka-transaksiyon ng nasabing Australyano.

Dinala na sa Department Of Justice (DOJ) ang ginang na posibleng maharap sa mga reklamong paglabag sa Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation Act, Anti Child Abuse Law, at Anti Trafficking in Persons Act.