Advertisers

Advertisers

53°C heat index sa Mindoro, pinakamataas ngayon taon

0 108

Advertisers

NAITALA ang “extremely dangerous” na heat index ngayon taon sa San Jose, Occidental Mindoro.
Ayon sa PAGASA, tanghali nitong Miyerkoles nang maitala ang 53°C sa naturang bayan.

Ito na ang bagong pinakamainit na heat index ngayon taon, nalagpasan ang 50°C na naitala sa Legazpi City, Albay noong Mayo 13.

Ang mga sumunod na pinakamataas na heat index nitong Miyerkoles ay 49°C na naramdaman sa Virac, Catanduanes; Aparri, Cagayan, at Butuan City, Agusan del Norte.



Paliwanag ng PAGASA, ang 52°C pataas na heat index ay itinuturing na “extremely dangerous” at maari nang magdulot ng heat stroke.

Samantala, ang 42°C hanggang 51°C ay “dangerous” at maaring maging sanhi ng heat cramps at heat exhaustion.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">