Advertisers

Advertisers

2 tulak nasamsaman ng higit P2m shabu sa Maynila

0 139

Advertisers

TINATAYANG mahigit P2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa ikinasang buy bust operation ng mga operatiba ng Manila Police District-PS 9 sa Malate, Maynila Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina Caironisah Esmail alyas Mich, 42; at Abul Panandigan, 32, kapwa residente ng Barangay 648, San Miguel, Quiapo, Maynila.

Ikinasa ang buy bust operation ng MPD-Station 9 laban sa mga suspek sa kahabaan ng Madre lgnacia Street malapit sa kanto ng Quirino Avenue, Malate 11:00 ng gabi.



Nakuha sa mga suspek ang apat na bulto at maliliit na sachet ng shabu na aabot sa kabuuang halaga na P2,720,000.00 o katumbas ng 400 gramo. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">