Pang-unawa at kooperasyon apela ng MIAA sa tuwing may Lightning Red Alerts sa NAIA
Advertisers
UMAPELA si Manila International Airport Authority (MIAA) Officer-in-Charge Bryan Co ng pang-unawa at kooperasyon sa air riding public sa tuwing ang flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay pansamantalang ipinagpaliban dahil sa hindi magandang lagay ng panahon at kumikidlat.
Sa mga kasong kailangan, ang MIAA Airport Ground Operations and Safety Division (AGOSD) ay maglalabas ng Lightning Red Alert, hanggang sa temporary suspension ng lahat ng flight at ground operations at NAIA hanggang sa ibaba na ang alert sa Lightning Yellow Alert, na ang ibig sabihin ay babalik na uli ang flight operations.
Ang praktis ng pagsuspinde ng ramp movement sa parehong aircraft at ground personnel tuwing may Lightning Red Alert ay ginagawa na simula pa noong 2012.
“We kindly ask for the cooperation and understanding of every passenger when ramp operations are suspended for safety reasons during a Lightning Red Alert,” sabi ni Co.
“While aircraft at NAIA are protected from lightning strikes through the presence of lightning arresters, these alerts primarily prioritize the safety of people on the ground, which is of paramount importance for us as an airport operator,” pagdidiin ni Co.
Ang NAIA ay may kabuuang dalawampung (20) lightning arresters at apat na (4) lightning shelters na nakalagay sa ramp area. Ang mga lightning arresters ay mga gamit na dinisenyo para protektahan ang electrical at telecommunication facilities mula sa kidlat. Hinuhuli nito ang direktang mga tama ng kidlat sa lupa kung daan ligtas itong ina-absorbed.
Maliban sa NAIA, ilan pang airports sa buong mundo tulad ng Australia, Brunei, at Hong Kong ay nagpatupad din ng alert levels para sa lightning strikes o pagkidlat.
Noong 2022, may kabuuang 439 na pinagsamang Lightning Red at Yellow Alerts ang nailabas kung saan may average duration ito ng 1 hour atv2 minutes para sa Lightning Red Alert status bago ito ibinaba sa Lightning Yellow Alert.
Sa pareho ding taon, ang MIAA ay kinuha ang serbisyo ng Earth Networks na pioneer sa total lightning detection na maglagay ng lightning early warning system. Ang automated safety system ay kinabibilangan ng warning systems na may audible at visual alert na na-a-activate kapag may paparating na kidlat sa pre-defined radius sa paligid ng aerodrome. Mayroon din itong countdown clock na nagpapakita ng alert status at oras na nagsasabing all-clear at nagpa-facilitate ng pagpapaliban at pagbabalik ng ramp activities.
Kaugnay pa nito, ang real-time information na ibinibigay ng Earth Networks ay tumutulong sa MIAA na mabawasan ang impact ng lightning strikes sa airport operations.
Sa tuwing may Lightning Red Alerts, ang anunsyo ay mabilis na naipapakalat sa airport stakeholders sa pamamagitan ng radio communications. Naiimpormahan ang mga pasahero sa pamamagitan ng terminal paging systems, at agad na naipo-post ang lightning advisories sa official Ninoy Aquino International Airport Facebook page.
“While we have a duty to keep flights safe, we are also duty-bound to protect the lives of airport personnel while they are at work, especially those working in areas where exposure to environmental hazards is higher,” sabi ni Co.
Dagdag pa dito, nanawagan si Co sa mga airline operators na ang anunsyo ay gawin habang nasa eroplano at habang nasa ground pa sila patungong NAIA, para maipormahan ang mga pasahero sa sitwasyon. (JERRY S. TAN)