Advertisers

Advertisers

Brgy. kagawad miembro ng criminal group, timbog

0 181

Advertisers

KALABOSO ang isang barangay kagawad na miyembro umano ng malaking criminal group sa Bulacan, sa illegal possession of firearms nitong Huwebes sa San Fernando, Pampanga.

Kinilala ang dinakip na si Edgardo Cruz, 50, kagawad ng Barangay Umpucan sa San Ildefonso, Bulacan.

Nahuli si Cruz nang madiskubre ng joint operatives sa pamumuno ni Police Lt. Colonel Jay Dimaandal, hepe ng Regional Special Operations Group-Regional Intelligence Group at acting force commander ng Regional Mobile Force Battalion 3, sa kanyang posesyon ang iba’t ibang armas sa implementasyon ng search warrant sa kanyang tirahan.



Ang search warrant ay mula kay Judgei Hermenigildo C. Dumlao II, Executive Judge ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 81, Malolos City, Bulacan.

Nasamsam ng mga awtoridad ang 9mm pistol na kargado ng bala, isang caliber .380 pistol na kargado rin, isang caliber .38 revolver na may empty shells, at ilang bala para sa iba’t ilang baril.



Sinasabing si Cruz ay miyembro ng Reyes Criminal Gang na sangkot sa robbery-holdup, carnapping, at gun-for-hire activities sa San Ildefonso at mga karatig-bayan sa Bulacan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">