Advertisers

Advertisers

Parak bugbog-sarado sa basketball court

0 143

Advertisers

BUGBOG-SARADO at black eye ang tinamo ng isang pulis nang pagtulungang bugbugin ng kalaban sa paglalaro ng basketball sa Barangay Kiloloron, Real, Quezon.

Nitong Miyerkules ng gabi, nagsampa ng demanda sa himpilan ng Real Police si Corporal Mark Valdez, tubong Cauayan City, Isabela, nakatalaga sa 4th Platoon, 1st QPMFC sa bayan ng Real.

Sa reklamo ng pulis, binugbog siya nina Ruel Gacelo, 27 anyos; at Wilbert Libantino, 33, kapwa construction workers, matapos magkainitan ang kani-kanilang team sa SK basketball league nitong June 5 ng gabi.



Kasali ang kanilang team bilang bahagi ng kampanya na ‘Kabataan Kontra Droga at Terorismo’ o KKDAT.

Subali’t sa kalagitnaan ng laro, naging mainit ang labanan na humantong sa panununtok ng dalawa.



Naawat ng mga barangay official ang kaguluhan at nasaklolohan ang pulis.

Ayon sa doktor na sumuri sa biktima, nangangailangan ito ng 30-araw na gamutan dahil sa tinamong bugbog sa ulo at katawan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">