Advertisers

Advertisers

Miembro ng PCG patay sa ambush

0 189

Advertisers

NASAWI ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) habang sugatan ang 23-anyos na babae nang tambangan sa Zamboanga City, Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si 2Lt Jenard Santos, 30 anyos, miyembro ng PCG, ng Barangay Curuan, Zamboanga City.

Nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan ang sugatan na si Mushayra Julpi Tiblani, 23, ng Lower Calarian, Zamboanga City, sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan.

Ayon kay Major Shellamie Chang, spokesperson ng PRO9, 5:57 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa Marlboro Drive, Lower Calarian.

Sakay ng motorsiklo ang biktima na binabagtas ang nasabing kalsada nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilang mga salarin.

Nasawi noon din si Santos sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang sugatan si Tiblani nang tamaan ng ligaw na bala.

Nakarekober ang mga otoridad ng 6 basyo ng bala ng caliber 9mm pistol sa pinagyarihan ng krimen.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen. (Mark Obleada)