Advertisers

Advertisers

EJ Obiena nakamit ang bronze sa Bislett Games

0 149

Advertisers

NAKAMIT ni Filipino Olympian pole vaulter EJ Obiena ang bronze medal sa Oslo Diamond League-Bislet games sa Norway Biyernes, Hunyo 16,( Manila time)

Matapos iposte ang bagong personal-best at Asian rekord na 6.0 meters sa Bergen Jump Challenge nakaraang Sabado, Nalundag lang ni Obiena ang 5.81 meters ngayon para mapunta sa third.

Si Obiena ay nagtapos sa likuran ni gold medal winner at world rekord holder Armand Duplantis ng Sweden na natalon ang 6.01 meters at silver medalist Christopher Nilsen ng US na tinalon ang 5.91 meters.



Ang 27-year-old Obiena ay nagsimula sa taas na 5.61 meters at nagawa sa isang attempt. at nagawa ulit sa 5.71 at 5.81 meters.

Ang worlds No.3 pole vaulter, Bagamat, hindi nagawa ang 5.91 – meter bar sa dalawang pagsubok ay nagpasya na laktawan ito at gamitin ang kanyang huling pagsubok na 6.01 meters pero hindi pa rin nagtagumpay.



Gayunpaman, ang performance ni Obiena ay napanateli ang kanyang podium streak ngayon taon simula sa 32nd Southeast Asian Games nakaraang buwan sa Phnom Penh,Cambodia, na nagbunsod ng bagong meet rekord na 5.65 meters para maangkin ang pangatlong sunod-sunod na gold medal.

Muling tinalon ni Obiena ang 5.72 meters para sa bronze sa Memorial Ireny Szewinska sa Bydgoszcz, Poland Hunyo 7.



Ang 6-foot-2 Obiena,na lumaki sa Tondo, ay nagpatuloy at ipinoste ang bagong Asian rekord na 6.0 meters at nagwagi ng gold medal sa Bergen Jump Challenge sa Norway Hunyo 10.