MAYOR HONEY, NANAWAGAN SA MGA GRADUATES NA PAGHANDAAN ANG KINABUKASAN
Advertisers
Nanawagan si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng nagsipagtapos na paghandaan ang kanilang kinabukasan at huwag panghinaan ng loob sa kanilang mga kabiguan at sa halip na ituring itong pagsubok sa kanilang a ilidad na harapin ang takot na may detwminasyon na umangat at tuparin ang kanilang mga pangarap.
Sa talumpati ni Lacuna sa commencement exercises ng Chiang Kai Shek College ng may 186 bagong graduates ng bachelor at masteral degree sa auditorium ng CKSC,inihalimbawa ni Lacuna ang hamon ng mga estudyante noong panahon ng pandemya na mag-aral sa pamamagitan ng iba’tbang pamamaraan.
“These experiences will serve as weapons in dealing with more trials in the future and encourage them to continue learning, education being a never-ending journey,”ani Lacuna.
Pinapurihan rin ni Lacuna ang Chiang Kai Shek College (CKSC) at President Dr. Judelio Yap, dahil sa deteminasyon na maitulak ang mga nagsipagtapos sa kanilang mabungang landas para maging karapat dapat na alimni ng kanilang Kolehiyo.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Yap na ang partisipasyon ni Lacuna sa graduation rites ay isang maliwanag na testamneto ng kanyang commitment para maiangat ang kalidad ng edukasyon ng Manilenyo sa CKSC na siyang pangunahing Chinese-Filipino educational institution sa bansa.
Kasama ni Lacuna sa commencement exercise sina Vice Mayor Yul Servo-Nieto , Board Chairman Johnson Tan at iba pang oposyal at board members.
Pinaabot rin niLacuna ang kanyang pagbati sa mga nagsipag tapos at sa kanilang mga magulang at sponsors sa napakahalagang achievement.
Samantala,sinabi naman ni Servo na ang CKSC ay palagiang partner ng Lungsod ng Maynila kung saan nilagdaan ang school agreement ng kanilang counerpart sa Guangzhou,na sister city ng Manila. (Andi Garcia)