Advertisers

Advertisers

2 years lang ang termino ng mananalo sa BSKE ‘23

0 200

Advertisers

DALAWANG taon lang pala ang magiging termino ng mga mananalo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa huling linggo ng Oktubre 2023.

Oo! Dapat kasi ay Disyembre 2022 ginawa ang BSKE pero iniatras ito ng isang taon ng mga tarantadong mambabatas dahil wala raw pondo at katatapos lang ng national election (Mayo 2022).

Dineklara ng Korte Suprema na iligal ang pagpapaliban sa BSKE, labag sa ating Konstitusyon. Pero pinayagan nitong ituloy ang naturang halalan na itinakda ng Kongreso ng Oktubre. Huling postponement na ito, sabi ng Kataas-taasang Hukuman.



Pagkatapos nitong 2023 BSKE, ang sunod na halalan ay Disyembre 2025. Kaya lalabas na dalawang taon nalang ang termino ng mga mananalo ngayong Oktubre. Saklap!

Anyway, napakatagal narin naman sa puwesto ng mga kasalukuyang barangay officials eh. Kasi nga tatlong beses na-postpone ang BSKE nung Duterte administration.



Dahil nga Disyembre 2025 ang sunod na BSKE, magiging dalawa ang mangyayaring eleksyon sa taon na ito. Naka-schedule rin kasi ng Mayo 2025 ang midterm election para sa 12 senators hanggang mayor. Anim na buwan lang ang pagitan.

Sabi ni Comelc Chairman George Garcia, mahihirapan sila sa dalawang eleksyon sa isang taon. Baka hindi raw nila kayanin. Kaya nag-file ito ng petition sa Korte Suprema na iatras ng 2026 ang dapat ay 2025 BSKE.



Payagan kaya ito ng Korte Suprema? Abangan!

***

Sinabi ni Garcia na gusto niyang gawin naring automated ang BSKE sa 2025 tulad ng sa national election.

Mahalaga, aniya, ang BSKE dahil ang barangay ang katuwang ng national government sa pagpapatupad ng mga programa sa kanayunan. Korek!

Kaya dapat ang mga ihahalal na barangay officials partikular kapitan o tserman ay yaong may malasakit sa barangay, hindi pasakit sa mamamayan. Mismo!

Filing na nga ng Certificate of Candidacy (CoC) sa sunod na buwan, Agosto 28 – September 2.

Kaya yung mga kakandidato dyan, mag-ikot-ikot na kayo. Ngiti-ngiti at kaway-kaway na. Hehehe…

***

Tuloy na ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa “war on drugs” ng nakaraang administrasyong Duterte kungsaan sinasabing 12,000 hanggang 30,000 ang pinatay sa operation “Tokhang” ni dating PNP Chief ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Sabi ni Presidential Legal Chief, ex-Senator Juan Ponce Enrile, ipaaaresto niya ang mga imbestigador ng ICC na papasok sa bansa.

99 years old na si Enrile. Hindi na tama ang kanyang mga sinasabi. Mismo!

Sabi naman ni Justice Secretary “Boying” Remulla, hindi welcome ang ICC sa Pilipinas. Let’s see!!!