Advertisers

Advertisers

PVL: Cignal niyurakan ang Choco Mucho para makapasok sa semis

0 173

Advertisers

GINULAT ng Cignal HD Spikers ang Choco Mucho Flying Titans sa giyera para sa huling semifinals berth ng Pool B sa Philsports Arena.

Binasag ng Cignal ang pangarap ng Choco Mucho na semifinals sa pamamagitan ng dominanteng 25-15,25-21,25-21, sweep sa 2023 PVL Invitational Conference Martes.

Sinarado ng HD Spikers ang Pool B na may 4-1 rekord at umakyat sa tuktuk ng standings para makasama ang F2 Logistics Cargo Movers at ang Creamline Cool Smashers sa round-robin playoffs.



“Talagang ang hirap na ang daming na-adjust or whatsoever. Personally, ang wish ko na lang ay ma-apply rito sa game.”

Jovelyn Gonzaga umiskor ng 13 points habang si Rachel Anne Daquis bumakas ng 12 markers upang pamunuan ang opensa ng Cignal na makabalik sa semifinals matapos mawala sa All- Filipino Conference.



Ces Molina at Roselyn Doria komulekta ng double digits na tig-10 puntos.

Samantala, ang Flying Titans ay hindi nasuportahan si Sisi Rondina para dumulas sa third place na may 3-2 slate. Makakaharap nila ang matatalo sa pagitan ng Chery Tiggo Crossover at PLDT High Speed Hitters para sa seventh place.



Rondina muling pinamunuan ang Choco Mucho sa iniskor na 14