Advertisers

Advertisers

THE BEST ‘TING’ THAT EVER HAPPENED TO PH TABLE TENNIS

0 2

Advertisers

OPTIMISTIKO si Philippine Table Tennis Federation (PTTF) president Ting Ledesma sa kahandaan ng Pinoy table netters sa kanilang pagsabak sa dalawang major world tournaments sa Pueto Princesa bunsod na rin ng impresibong kampanya ng Philippine Team sa mga nakalipas na torneo sa abroad.

Sasalang ang National Team sa feeder series na lalahukan ng higit 20 bansa na powerhouse sa pingpong, binubuo ang Ph teamng mga players na naghahanda para sa susunod na Southeast Asian Games 2027 sa Kuala Lumpur, Malaysia habang nakatuon din paghahanda ng PTTF sa hosting ng World Junior hosting sa Palawan.

“We’re happy to say that table tennis is getting better and with the recent success of our national team for the past few months sa abroad, Malaki ang impact nito lalo na sa mga kabataan na patuloy na lumalaban para mapalakas ang table tennis,” pahayag ni Ledesma patungkol sa program ng PTTF sa kabila ng ng kakulangan ng pondo at limitadong tulong pinansiyal mula sa kinauukulan.

“Nauunawaan naman namin ang Philippine Sports Commission (PSC) dahil hindi lang naman kami ang sports na sinusuportahanan nila. But we’re proud to say that through the years hindi kami dependent talaga sa PSC, reimbursement kami, abonuhan muna namin kung maibalik yung ginastos namin, salamat kung hindi ,” aniya sa PSA Forun kahapon sa Media Room ng PSC sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Binanggit din ni Ledesma sa program na itinataguyod ng Philippine Sports Commission sa kooperasyon ng host Puerto Princesa City sa Palawan.

“Wala naman kaming problema sa PSC, pero para mas maging mabilis ang proseso sa participation namin, naghahanap na lang ako ng makakatulong. After that, re-reinbursed ko na lang yung gastos kompleto naman sa resibo, kung palarin maibalik laking pasasalamat kung hindi, oky na rin,” aniya.

Pangungunahan ni Kheith Rhynne Cruz, ang No.1 women player sa bansa, ang PH team sa Korea target na makasikwat ng medalya na magbibigay sa koponan nang panibagong sigla bago ang World Junior event sa Palawan.

Galing ang 16-anyos na si Cruz na markado sa kanyang matagumpay na kampanya sa SEA Youth table tennis championship sa Brunei kung saan nagwagi siya ng dalawang ginto (singles at doubles event) at pangunahan ang girls team sa silver medal finish sa team event.

Sa tulong ni Puerto Princes, Palawan Mayor Lucilo Bayron, ibinida ni Ledesma ang kahandaan para World Junior championship na inaasahang lalahukan ng mahigit 30 koponan.

“Last year, yung nakababatang kapatid ni Keith na si Mhelvin ay nakasilver dito. Yung podium finish niya ang naging daan para mabigyan siya ng scholarship training sa France. Itong magkapatid ang mangunguna sa team natin. Buong puso ang pasasalamat natin sa tulong ni Mayor Bayron para maisagawa natin ang hosting na ito,” ayon kay Ledesma.

Ipinagmalaki naman ni Puerto Princesa Sports head Rocky Austria ang kahandaan ng Lungsod sa pag- host ng international na kaganapan na bahagi ng sports tourism at maipaalam sa buong mundo na ang Puerto Princesa ay lunduyan ng mga turistang lokal at dayuhan na babalik-balikan dahil sa yumi nito , kapanatagan at kapayapaan ng lunan.

Mula nang si Hotponger ‘Ting Ledesma ang may timon sa table tennis ng bansa ay sadyang malayo na ang narating ng naturang NSA at kaya nang makipagsabayan sa mga higanteng kalaban sa ibayong dagat ng ating mga pambatong sa talento ay lalong bumibigat.

Tunay na si Hotponger ang ‘ Da best TING that ever happened to Ph.Table Tennis.MISMO!